Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga Barbie Imperial

Diego at Barbie nagmurahan, nagkasakitan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

TOTOONG nakakapagod ang fight scenes ng magdyowang Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa kanilang pelikulang Dulo ng Viva Films na idinirehe ni Fifth Solomon at mapapanood na simula ngayong araw, December 10 sa Vivamax.

Inamin din naman nina Diego at Barbie sa ilang zoom conference nila na nakaka-drain ang mga eksena nilang nag-aaway sila dahil  sa napakahahabang dialogue lalo na nang sumabog na ang galit nila sa isa’t isa.

Maayos nailatag ni Fifth ang relasyon nina Dex (Diego) at Bianca (Barbie) bilang live-in partners hanggang sa magpakasal  at daanan ang matitinding challenges ng young married couple.

Parehong nasa early 20s sina Dex at Bianca nang magkakilala mula sa isang dating app na pagkaraan ay napagkasunduang mag-live in. Tulad ng karaniwang relasyon, super saya ang mga unang araw at buwan ng kanilang pagsasama hanggang sa unti-unting lumalabas ang mga bagay na hindi nila napagkakasunduan.

Sa Dulo makikita ang lakas ng chemistry nina Diego at Barbie gayundin ang natural nilang acting na aminado ang dalawa na hindi sila nahirapan lalo na ‘yung pagpapakita ng kanilang sweetness. Nahirapan sila sa mga pag-aaaway nila on screen pero lumabas na totoong-totoo iyon.

Tiyak na makare-relate ang mga makakapanood sa Dulo dahil ipinakikita nina Diego at Barbie ang karaniwang nangyayari sa isang relasyon.

Kahanga-hanga naman ang galing ni Diego. Talagang may pinaghuhugutan siya lalo na sa mga eksenang galit na galit siya sa tatay niya sa kuwento na nambababae at iniwan sila ng kanyang ina.Tumodo rin si Barbie sa acting at hindi nagpahuli sa galing ni Diego.

Mapapanood na ang Dulo simula ngayong araw, Dec. 10, streaming online sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Available na rin ang Vivamax sa USA at Canada. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …