Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Hontiveros Rash Flores Cara Gonzales Jela Cuenca

Cara, Jela, Luis, at Rash sumagad sa paghuhubo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

SOBRANG tapang. Ito ang iisang nasabi ng mga lumabas ng sinehan pagkatapos mapanood ang advance screening ng bagong pelikula ni Brillante Mendoza, ang Palitan ng Viva Films.

Ang Palitan ay pinagbibidahan ng mga baguhan at palaban sa lahat ng aspeto na sina Cara Gonzales, Jela Cuenca, Luis Hontiveros, at Rash Flores.

Kaya kung mahina-hina ka sa mga nakae-eskandalong sex, ‘di pwede sa iyo ang pelikulang ito dahil bago pa man ay sinabi na ni Direk Brillante na tumodo sa hubaran at sex scenes ang apat niyang bida sa pelikula.

Sinabi pa ni Direk Brillante na first time niyang gumawa ng LGBT film kaya naman excited siya sa pelikulang Palitan. Ang istorya ay ukol sa apat na taong pinagtagpo ng pag-ibig, pagkakaibigan, at tawag ng laman. Isa itong upcoming GL (girls love), sexy thriller na pelikula.

Umpisa pa lang ng pelikula ay may mainit nang eksena sina Cara at Luis sa isang fitting room ng isang boutique. Roo’y walang kiyemeng ipinakita ni Cara ang kanyang hubad na katawan gayundin si Luis.

Ibang klase rin ang pagniniig na sabay ng apat na bida sa Palitan na ginawa sa may falls, ang pagpapasasa ng tatlong lalaki sa isang babaeng inupahan sa stag party, ang nakakalokang lovescene nina Cara at Jela sa isang open kubo na talagang hubo’t hubad.

Kaya sinasabing ito ang pinakagrabeng sex movie ni Direk Brillante dahil sa mga kakaiba at nakagugulat na sex scenes ng mga bida na talagang bigay-todo.

Ang Palitan ay isinulat ng Palanca award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio na siya ring sumulat ng Taklub na tumanggap ng Prize of the Ecumenical Jury award sa Cannes Film Festival noong 2015 at ang Mindanao na nanalo ng dalawang awards sa 41st Cairo Film Festival.

Mapapanood na ang Palitan December 10 sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …