Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Edu Manzano Cherry Pie Picache

Edu at Cherry Pie ikakasal ba o magli-live-in na lang?

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

ANG walang kaduda-duda na may napapala sa walang pagdadalawang-isip na aminin agad ang relasyon nila ay sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.

‘Di na sila mga bata para mag-inarte pa.

Parang nasa “honeymoon stage” ang walang-pag-aalinlangan, walang-takot na magsing-irog.

Sa latest Instagram post ni Cherry Pie, nasa Florida, USA sila at dumalaw sa mga kamag-anak at kaibigan nila.

Nagsimula ang “honeymoon” nila sa New York, tumuloy sa Los Angeles, at ngayon nga ay nasa Florida sila. 

Pati nga ang mga anak ni Edu sa isa sa mga nakarelasyon n’ya ay nakilala na ni Cherry Pie sa Amerika, specifically sa New York.

Sa Pilipinas, masayang-masaya ang anak ni Edu na si Luis Manzano at si Nio Tria na anak ni Cherry Pie na naging mag-sweetheart ang dalawang pinagmulan ng buhay nila.

Parang nasa ibang bansa pa sina Cherry Pie at Edu habang isinusulat ito. Ina-assume ng marami na magli-live in sila. Sa kaninong bahay, ‘di pa natin alam. At saka na siguro pag-uusapan kung gusto ba nilang magpakasal o ‘di na kailangan. 

Sina Cherry Pie at Edu ang dapat tularan nina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista. Ano sa palagay n’yo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …