Saturday , November 16 2024
P500 500 Pesos

Suspek na 2 Chinese, Pinoy natakasan
MALAYSIAN KINIDNAP SA P500 RANSOM

SA KABILA ng limang daang pisong ransom money, natakasan pa rin ng Malaysian national ang mga dumukot sa kanya na dalawang Chinese national at isang Pinoy sa Pasay City matapos dalhin sa Quezon City nitong Sabado.

Ang biktima ay kinilalang si Victor Mak, 29 anyos, binata, Malay­sian national, residente sa Unit 106 Avida Towers, 24th St., BGC, Taguig City.

Habang ang dalawang suspek, ayon sa biktima ay  parehong Chinese nationals at ang isa naman ay Filipino, pawang sakay ng puting Toyota Alphard.

Sa report ng Kamuning Police Station ng Quezon City Police District (QCPD-PS 10), bandang 5:30 pm nitong 4 Disyembre, nang kidnapin ang biktima sa harap ng Hilton Hotel sa Pasay City.

Batay sa imbestiga­syon ni P/SSgt. Bryan Busto, naghahanap ng trabaho sa Chinese group ang biktima sa pamama­gitan ng telegram application.

Agad siyang inalok ng posisyon sa isang Chinese company at nitong 4 Disyembre, dakong 5:30 pm ay nakipagkita si Mak sa mga suspek sa harap ng Hilton Hotel, Pasay City.

Habang nag-uusap, nagulat ang biktima nang puwersahan siyang isakay ng mga suspek sa Toyota Alphard hanggang mapansin ng biktima na huminto sila sa harap ng WIL Tower sa Eugenio Lopez Drive, Brgy. South Triangle, Quezon City.

Doon ay pinag­bantaan ang biktima at sinabihan siya ng mga suspek ng … “Give us P500 and  we will set you free.”

Pero nang hindi makapagbigay ang biktima ay inilipat siya sa Hi Ace Van at pinag­tulungang bugbugin ng mga suspek sa loob ng sasakyan.

Nang makatiyempo ay nagtatakbo ang biktima at humingi ng saklolo sa mga taong nagdaraan sa Wil Tower at eksaktong may nagdaraan na police patrol na nama­taan ang komosyon.

Agad tumakas ang mga suspek nang maki­ta ang mga paparating na pulis.

Patuloy pang nag­sa­sa­gawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga Chinese na dumukot sa biktima. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …