SA KABILA ng kaliwa’t kanang pagbatikos mula sa ilang politiko na tila mga propaganda at ang iba ay ‘fake news’ na, tuloy-tuloy lang ang pagbibigay ng tulong at ayuda ng Pitmaster Foundation sa mahihirap na mga kababayan.
Ang Pitmaster Foundation ay isang sangay ng Lucky 8 Corporation, na isa sa mga kompanyang nabigyan ng PAGCOR ng lisensiya para sa online sabong.
Ayon kay Pitmaster Foundation Director Atty. Caroline Cruz, “lingid sa kaalaman ng karamihan ay araw-araw na may ipinada-dialysis ang Pitmaster nang libre sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“May ugnayan kami sa mga ospital at dialysis centers throughout the country at walang binabayaran ang mga pasyente,” ayon kay Atty. Cruz.
Sabi ni Atty. Cruz, ilang daang dialysis patients na ang natulungan ng kanilang foundation at kasalukuyang tinutulungan pa rin.
“Aside from dialysis, nagbibigay din kami ng wheelchairs. Sa katunayan higit 1,000 wheelchairs na ang naipamahagi namin sa mga may kapansanan na kababayan natin since January this year,” dagdag ni Cruz.
Ani Cruz, bukod sa dialysis at wheelchairs… ilang ambulansiya na ang naipamigay nila sa LGUs.
Libo-libong food packs na rin ang naipamahagi ng foundation noong kasagsagan ng mga lockdown sa bansa.
Dagdag ni Cruz, “we are doing all this to give back to the people and show them that we care sa panahon ng kanilang pangangailangan.”
“Hindi ko alam kung bakit nagagalit ang ilang politiko at media sa amin gayong nakatutulong naman kami sa ating mga kababayan,” pahabol ni Atty. Cruz.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na malaki ang naitutulong ng e-sabong sa gobyerno sa paglaban sa CoVid-19 pandemic.
Daan-daang milyong pondo ang nalilikom ng PAGCOR buwan-buwan sa anim na licensed online sabong companies sa bansa. (30)