I-FLEX
ni Jun Nardo
PANGARAP ni Marian Rivera na ma-meet nang personal si Wonder Woman Gal Gadot sakaling mabibigyan ng pagkakataon.
Opisyal nang member ng Selection Committee si Marian sa 2021 Miss Universe na gaganapin sa Israel. Eh, Israeli actress at model si Gal bago napiling Wonder Woman sa Hollywood.
“Kikiligin siyempre ako dahil fan niya ako. Exciting ‘yon kung sakali!” pahayag ni Yan sa official announcement niya sa virtual mediacon.
First time bibiyahe si Marian mula nang magkaroon ng pandemic. Iiwan niya ang mga anak na sina Zia at Sixto.
“Malaking karangalan ang dumating sa akin. I’m sure maiintidihan nila ‘yon paglaki nila,” rason ng GMA Primetie Queen.
Ano naman sey niya sa haters at bashers niyang bumabatikos sa pagsasalita ng English?
“You cannot please everybody!” bulalas niya.
Ngayong araw, December 6, ang alis ni Marian patungong Israel at walo ang kasama niya at bitbit na gowns/cocktail dresses na isusuot.
Sa Pilipinas magpa-Pasko si Yan kasama ang pamilya.