Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miguel Tanfelix

Miguel ayaw sa babaeng maarte

RATED R
ni Rommel Gonzales

INILAHAD ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix ang nag-iisang ugali na ayaw sa isang babae sa segment na Isang Tanong, Isang Takbo: Question Hunt Challenge ng Mars Pa More kamakailan.

Sa larong ito, kailangan sagutin nina Miguel at Matt Lozano ang iba’t ibang tanong na naka-assign sa kanila at kung sino ang mayroong pinaka-kaunting sagot na haharap sa isang consequence.

Ang unang tanong na napunta sa Kapuso actor ay kung ano ang pinakaayaw nitong ugali sa isang babae.

“Maarte,” mabilis na sagot ni Miguel na ikinagulat nina Mars Pa More hosts Camille Prats at Iya Villania.

Wika pa ni Camille kay Iya, “Grabe, ang bilis sumagot Mars. At saka may bato pa.”

Nang makuha naman ni Miguel ang tanong na: “Mas gusto mo bang nililigawan ang kasama sa work or outside work? And why?” sagot ng aktor, “Depende sa babae siguro, kung magkasundo kayo o hindi.”

Ibinahagi rin ni Miguel ang co-star na kinakabahan siyang makaeksena sa kasalukuyang proyekto. Hindi man inilahad ng aktor ang pangalan nito ngunit ito ay ang magiging tatay niya sa Voltes V: Legacy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …