Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klinton Start Aspire Magazine

Klinton Start cover ng Aspire Magazine, may serye pa sa ABS-CBN

MATABIL
ni John Fontanilla

HAPPY si Klinton Start dahil sa dami ng proyektong ginagawa niya ngayon.

Bukod sa napili ito ng publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Castillo para maging cover boy ng December issue, ka-join pa ito sa bago at malaking teleserye ng ABS-CBN.

Ito ang unang teleserye ni Klinton simula nang pasukin ang showbiz, kaya naman thankful siya sa ABS-CBN dahil nabigyan siya ng pagkakataong makasama sa nasabing teleserye.

Ayaw pa nitong banggitin ang title ng serye at kung sino-sino ang makakasama niya dahil wala pang date kung kailan ito ipalalabas.

At kahit isang buwan nga nitong ‘di nakikita ang kanyang ate Ann (Malig Dizon) at Haye (Start), tumatayong guardian dahil naka-lock-in taping sa Baguio, tinitiis ito ni Klinton dahil sa kanyang pangarap na makilala sa showbiz.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nawalay ng matagal si Klinton kina Ann at Haye kaya naman grabeng adjustment ang pinagdaanan nito.

At kahit busy sa kanyang showbiz career, ay hindi naman nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …