NANAWAGAN si Taguig 2nd District Rep. Lani Cayetano sa pamahalaan at publiko hinggil sa kahalagahan ng pagresolba sa isyu sa e-sabong dahil sa mga negatibong implikasyon nito katulad ng kawalan ng focus sa pag-aaral at sa pagkalunod sa utang.
Ang pahayag ni Lani Cayetano kasunod ng pagse-celebrate ng National Children’s Month, gayondin ang hamon sa mga public officials, na maging klaro ang stand regarding sa e-sabong sa pagkontra sa mga ganitong activities.
Ipinahayag ni Cayetano na magiging isang hamon ang e-sabong sa mga magulang at guro dahil mas madali itong naa-access ng mga kabataan.
Karamihan sa mga estudyante na naging biktima nito ay nawawala na ang focus sa kanilang pag-aaral dahil kung dati computer games lang ang kanilang kalaban, ngayon ay may access na rin sila sa naturang sugal.
Hinimok ni congresswoman Lani ang mga magulang na kausapin ang kanilang mga anak hinggil sa mga negatibong epekto ng e-sabong. (GINA GARCIA)