Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joy Cancio, Rams David, Artist Circle Talent Management Services

Joy Cancio ng Sexbomb aarte na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TINIYAK ni Joy Cancio na sasayaw, magcho-choreo, at magju-judge pa rin siya ng sayawan ‘pag kailangan kahit pinasok na niya ang pag-arte. First love kasi talaga niya ang pagsasayaw.

Ang pagtitiyak ay ginawa ni Joy pagkatapos pumirma ng tatlong taong kontrata kay Rams David ng Artist Circle Talent Management Services.

Ani Joy, inimbitahan siya ni Rams na maging talent niya para sa kanyang acting career. Hindi naman agad nakapagbigay ng sagot ang dating manager ng Sexbomb.

Aniya, ”Ang unang sagot ko sa kanya, pag-iisipan ko. At ipinasa-Diyos ko kung dapat ko nga bang pasukin ang pag-arte? Okey naman din kasi ako na pagkatapos ng show namin sa Net 25, iyong ‘Tagisan ng Galing.’

“Naging positibo ‘yung sagot kaya noong Lunes, Nov. 29 napapirma na ako ng kontrata kay Ateng Rams. Alaga niya rin kasi ‘yung mga dati kong alagang sina Aira at Mia Pangyarihan kaya naging madali na rin para sa akin na makapag-desisyong magpa-alaga sa kanya.”

Sinabi pa ni Joy na tiwala siya kay Rams sa kung anong project ang ibibigay sa kanya. ”Basta nilinaw ko lang sa akin na ‘yung hindi masasagasaan ang paniniwala kong espiritwal,” sambit ni Joy.

Excited na si Joy na makatrabaho ang mga artista mula GMA, TV5, at ABS-CBN dahil wala naman siyang exclusivity. ”Basta kung ano ibigay sa akin, sige lang kahit mother role o kontrabida,” ani Joy.

Happy si Joy sa bago niyang journey sa showbiz. Hangad naming marami silang project na makuha ni Ateng Rams.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …