SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
“WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat ni Presidential aspirant, Manila Mayor Isko Moreno sa kung ano at nagawa sa kanya ng showbiz para marating ang kasalukuyang estado niya sa buhay.
Kasabay ng paglingon sa showbiz at apila ni Yorme sa entertainment press na tulungan siya sa kanyang journey sa pagka-pangulo sa 2022.
Aniya sa isinagawang face to face media conference noong Biyernes para sa pelikulang Yorme: The Isko Domagoso Story na palabas na sa December 1,“Ako po ay aplikante bilang pangulo ng Pilipinas. You know me better than anybody else. Nakita na ninyo ako simula 1993 sa hallway ng Broadway. Sa Kamameshi. Sa studio ng GMA kung saan kami nagpa-practice ng sayaw. Nakita ninyo ako sa Seiko Films. Dahan-dahan umaakyat. Nakita ninyo ang ugali ko sa oras ng trabaho. Nakita ninyo at kilala ninyo ako how I value the opportunity given to me. How I give importance to that particular task.
“Dahil doon, mabilis akong nakilala sa showbiz industry. The same manner I gave for 23 years of my life in public service. Kahit paano naman mayroon tayong pruweba. So sa inyong lahat, kailangan ko ang tulong ninyo.”
Iginiit din ni Yorme na hindi siya ang producer ng pelikulang Yorme: The Isko Domagoso Story na idinirehe ni Joven Tan kundi ang Sanggola Media Productions na ire-release naman ng Viva Films.
Ang tanging involvement ni Yorme, ‘ika nga ni Direk Joven ay ang pagtitiwalang ibinigay nito sa Saranggola para gawing pelikula ang kanyang buhay at ang pagna-narrate niya sa pelikula.
At sa mga kumukuwestiyon ng kakayahan niya kung kaya na nga ba niyang maging Pangulo ng Pilipinas, ito ang naging sagot niya. “It’s not about who can do it better than the other. Who have shown excellence in their field of undertaking. Leadership is about who did good. It’s not about the name. It’s all about what did you do? Ano ang ginawa mo sa panahon na kailangan ka namin? Nasaan ka sa panahon na kailangan ka namin?
“Sino ‘yung nakasama natin sa oras ng lugmok? Sino ‘yung halos ibuwis ang buhay niya mapaglingkuran lamang ang kapwa niya. Whoever that is, it’s up to our people to answer.”
Iginiit pani Yorme na,“Not because bata ako, nowadays, kailagan natin ang energetic na leader. Kailan natin ng mabilis na leader kasi mabilis din ang pagkakalugmok ng mga tao.
“Being eloquent using good words cannot solve our problems.
“I did my part and went beyond what is required of me. I dedicated myself. For three straight months, I wasn’t able to see my family. Just for the record. Not a single glimpse kung kumusta ‘yung apat ko–anak at asawa ko. I tried in my own little way to be with the people of Manila. Two million of them.”
Samantala, bida sa Yorme sina Raikko Mateo (batang Isko), McCoy de Leon (tin-edyer na Isko), at Xian Lim (present Isko).