Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya ay ang mismong ama n’yang si Robin Padilla. 

The Conversation I Never Had with my Papa ang titulo ni Kylie sa episode na ‘yon. At totoo namang naging isang pag-uusap ‘yon, dahil hindi si Kylie lang ang nagtanong ng kung ano-ano sa kanyang ama. Si Robin man ay malayang nakapagtanong sa kanyang anak. 

At hindi iniwasan ni Robin na usisain kung may balak pa ito na makipagbalikan sa asawa n’yang si Aljur Abrenica. 

Sumagot si Kylie na wala na at okey na sa kanya na maging magkaibigan sila ni Aljur alang-alang sa dalawa nilang anak. ”Mas happy na ako ngayon, realistically, kasi after ng mga nangyari, hindi na ako makakabalik doon, eh, sa kung paano ako before. Masyado nang maraming nangyari,” sambit ni Kylie.

Reaksiyon ni Robin: ”Ako naman yata ngayon ang malulungkot? So, wala na talagang pag-asa?”

Mahabang sagot ni Kylie: ”It’s best for what it is now kasi tinitingnan ko rin [na] in the future, maging friends kami talaga.

“Ngayon kasi, after ng nangyari, we’re friends, pero there’s a distance. Dumidistansiya na ako.

“Kasi siyempre, nagulat ako, pero nga, bilang nanay ako ng mga anak ko, I have to be civil, try to be the better person. Mas mature na tao.

“Naging klaro lang kung nasaan ‘yung priorities niya. Pero bilang nanay din ng mga nanay ko, masakit sa akin ‘yon.”

Sundot na tanong pa ni Robin: ”Masakit pa, masakit pa?”

Sagot ni Kylie: ”To be honest, Pa, ang mahirap lang talaga roon sa nangyari sa amin is never ko nang mae-enjoy ‘yung pinapanood ko silang naglalaro.

“’Yun lang, kasi alam ko talaga nang dumating ‘yung time na hindi na siya nagwo-work.

“But, bilang nanay, ‘Oh my God, give me a few minutes…’ Yun lang, kasi favorite ko ‘yung pinapanood ko ‘yung mga anak ko at tatay nila na magkasama.

“’Yun lang talaga ‘yung isang bagay na nagtatanong ako, ‘Tama ba ito or hindi?’

“Pero kung titingnan ko as a whole, mas maganda ‘yung nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic.

“Mahapdi sa aking puso na hindi ko na ‘yun makikita, nae-enjoy in that way na buo kami.

“Mas happy na ako ngayon, realistically, kasi after ng mga nangyari, hindi na ako makakabalik doon, eh, sa kung paano ako before. Masyado nang maraming nangyari.”

Tanong ni Robin, finally, sa huling bahagi ng vlog: ”Masaya ka na?” 

“Yes,” sagot ni Kylie, na mistulang parang bumalik sa pagiging bata sa piling ng kanyang protective father habang nag-uusap sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …