Wednesday , May 14 2025

Obrero kritikal sa pananaksak ng tatlong kelot

NASA malubhang kalagayan ang isang obrero makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng tatlong lalaki sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktima na kinilalang si Marvin Gabriel, 36 anyos, residente sa Block 2 Lot 23 MPV Dulong Hernandez, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod sanhi ng mga saksak sa katawan.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis ang mga suspek na kinilalang sina Aaron Soriano, nasa hustong gulang ng Brgy. Longos, alyas Totin, at isang hindi kilala, na mabilis nagsitakas sa hindi natukoy na direksiyon.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Mardelio Osting at P/SSgt. Diego Ngippol kay Malabon City police chief Col. Albert Barot, dakong 2:30 am nang maganap sa Block 11, Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Nagtungo ang biktima, kasama ang kanyang kaibigang si Joselito Torrenueva sa nasabing barangay nang biglang sumulpot mula sa kanilang likuran ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagtulungan silang pagsasaksakin sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa kabila ng mga saksak, nagawa pang makatakbo ng biktima hanggang makahingi ng tulong sa kanyang mga kaanak na nagsugod sa kanya sa naturang pagamutan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …