Saturday , November 16 2024

Kano natagpuang patay sa nirerentahang kuwarto sa Kyusi

NATAGPUANG patay ang 55-anyos Amerikano sa loob ng kaniyang inuupahang silid sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

May umaagos pang dugo mula sa bibig nang madiskubre ang bangkay ni William John Messerich, 55, American National, US pensioner at nangungupahan sa No. 89 Republic Avenue, Barangay Holy Spirit, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 8:30 am nitong 28 Nobyembre, nang madiskubre ang bangkay ng dayuhan sa loob ng kaniyang silid sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Juderick Latao ng QCPD Holy Spirit Police Station 14, ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng kaniyang landlady na si Milagros Ulita, 64 anyos, na agad humingi ng saklolo sa kanilang mga opisyal ng barangay.

Agad nagresponde ang barangay police na si Rogelio Muit, at nang makita ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa kaniyang kama at may umaagos pang dugo sa bibig ay inireport sa mga awtoridad.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ng kaniyang landlady na umiinom ng alak mag-isa sa loob ng silid nito bandang 4:00 pm nitong 27 Nobyembre.

Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng nasabing insidente. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …