Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ciara Sotto Tito Sotto Ping Lacson Vic Sotto Vico Sotto Tony Tuviera

Ciara, sakalam ang suporta sa Lacson-Sotto tandem

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAHANGA-HANGA ang suportang ipinakikita at ibinibigay ni Ciara Sotto sa tambalang Ping-Sotto. Hindi na naman kataka-taka kung bakit pero masasabing “sakalam” ang suporta ng bunso ni Senate President Tito Sotto, hindi lang sa kanyang ama kundi maging sa pambato nitong pangulo sa May 2022 elections na si Senador Ping Lacson.

Sa Instagram account kasi ni Ciara na may username na  @pinaypole, nag-flex siya ng suporta sa Lacson-Sotto tandem nang i-post ang patok na infomercial video ngayon ng dalawa na  Tapusin Ang Lagim, Yakapin Ang Liwanag.

Inilagay ni Ciara sa post ang flexing emoji na may kasamang #LacsonSotto2022

.

Sikat na sikat at nagmamarka sa mga tao ang infomercial na  Tapusin Ang Lagim, Yakapin Ang Liwanag. Hindi lang dahil sa malinaw ang mensahe sa mga tao,  kundi maging sa boses na ginamit dito–si Henyo Master Joey De Leon.

Naka-off ang comment section sa post ni Ciara, pero sa ibang social media na mapapanood din ang infomercial, may mga nagtatanong kung si Joey din kaya ang nag-isip ng mga nakasaad dito dahil may pagkamatalinghaga at patula na marka ng EB host.

“Kung gusto nating magbago ang ating buhay, ito ay nasa ating mga kamay. Kung tayo ay pipili ng lider na hinog sa kakayahan, sanay sa labanan, at subok sa karanasan; mga lider na may utak ang tapang, at may tapang ang utak: Tapusin ang lagim, yakapin ang liwanag [sabay pakita kina Lacson at Sotto].”

Hindi nakapagtataka kung sa mga susunod na survey ay umangat pa lalo ang Lacson-Sotto tandem, na para sa mga political analyst ay may pinakamalawak na karanasan at pinakahanda sa lahat ng mga kandidato para pamunuan ang bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …