Monday , December 23 2024
Isko Moreno Joven Tan

Yorme: The Isko Domagoso Story ‘di pang-election campaign

I-FLEX
ni Jun Nardo

ITINANGGI ni presidentiable Manila Mayor Isko Moreno na ginawa ang pelikulang Yorme: The Isko Domagoso Story na election campaign ng kandidatura niya.

“Bago pa man ang pandemic, eh sinimulan na ito. Wala pa akong deklarasyon sa kandidatura ko.

“Natigil nang magkaroon ng pandemic. Nang gumaan ang sitwasyon, tinapos ito ni direk Joven (Tan). Boses ko lang ang naririnig sa trailer. Hindi ako producer ng movie,” pahayag ni Yormer sa kanyang solo presscon with the entertainment press.

Isang musical ang Yorme mula sa Sarangola Media Productions at ipalalabas sa sinehan sa Miyerkoles, Disyembre 1.

Tatlong henerasyon ng buhay ni Isko ang ilalantad sa movie mula bata hanggang sa pagiging Mayor niya ng Maynila.

Gaganap si Raikko Mateo bilang batang Isko na basurero sa Tondo, si MCcoy de Leon bilang teenager na Isko na naging That’s Entertainment member, at Xian Lim bilang adult Isko.

Huwag umasa na masisilip ang lovelife ni Yorme sa movie dahil sey niya, ”Hindi ako kiss and tell! Ha! Ha! Ha!”

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …