Saturday , November 16 2024

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’

Naaresto ang suspek nang magsumbong ang nakatatandang kapatid ng biktima sa kanilang ina na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Hindi muna ibinulgar ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang tunay na pangalan ng 48-anyos suspek upang maprotektahan ang pagkakakilanlan sa biktima matapos siyang madakip ng tauhan ng Sub-Station 2 sa kanilang tirahan sa Brgy. Tangos South dakong 4:00 pm.

Sa imbestigasyon ng pulisya, unang ginawan ng kahalayan ng suspek ang kanyang paslit na anak nang dalhin sa isang abandonadong bahay sa kanilang barangay kamakailan lamang.

Ang hindi batid ng lalaki, palihim na nasundan sila ng nakatatandang kapatid ng biktima na nakasaksi sa ginagawang pangmomolestiya sa bata.

Sa takot ay nanahimik muna ang magkapatid ngunit nitong Biyernes ng umaga, 26 Nobyembre, puwersahang isinama ng suspek ang anak sa loob ng banyo ng kanilang tirahan at dito ay muling inabuso sa pamamagitan ng pagdaliri sa kaselanan ng bata.

Dito ipinasiya ng magkapatid na isumbong sa kanilang ina ang kahayupang ginagawa ng sariling ama na nagresulta sa pagkakadakip sa manyakis na suspek.

Nahaharap sa kasong incestuous rape in relation to RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Navotas City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …