NANINIWALA si Conor McGregor na nasa unahan siya ng pila para sa 155-pound title shot sa pagbabalik niya sa Octagon sa late 2022, kahit pa nga ang tinaguriang ‘Notorious’ ay may kartang 1-3 sa lightweight division. Hindi magiging mahirap na pagbigyan ang kanyang kahilingan.
Madaling mangyari ang ‘request’ ni McGregor kung hawak pa rin ni Dustin Poirier ang titulo, pero kailangan pa ring talunin ng tinaguriang “The Diamond” ang kasalukuyang kampeong si Charles Oliveira sa UFC 269 pay-per-view (PPV) main event sa susunod na buwan sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
Tiyak na papalag din si Gaethje kung hindi siya ang makakasagupa ni McGregor sa titulo. Matatandaan na pinangakuan at inaprubhan ni UFC President Dana White ang ikaapat na pagsasagupa nila ni McGregor.
“Hi lads, here goes,” sinulat ni McGregor sa Twitter. “Clicks and the like. Your boss and what not. The Mac. Santy Claus. I’m facing whoever the fuck has that LW title next. Deal with it. Take off your goggles and mark the trilogy ‘unfinished’. Deal with that too. The rest mentioned, after this. Deal. With. It.”
Nabalian ng binti si McGregor sa UFC 264 main event nung nakaraang summer sa Las Vegs, para lumamang si Poirier 2-1 sa kanilang lightweight trilogy. Ang panalong iyon ay resbak lang sa pagkatalo niya sa Irish slugger noong Sept. 2014.
Posibleng mangyari rin ang McGregor vs. Chandler sa 2022.
“I will no have issue returning from this injury,” pagpapatuloy ni McGregor. “Not an iota of issue. I’ve already prepared for a fight under these exact conditions. This game has just begun. Know that all my enemies are of similar age and experience, and for this reason, I hereby declare this war forever! McGregor Forever.”