NA-PROMOTE si Sacramento Kings associate head coach Alvin Gentry sa interim head coach pagkaraang sipain nila si Luke Walton nung linggo, anunsiyo ng team.
Nagpasya ang Kings na tanggalin si Walton bilang head coach ng team pagkaraang magrehistro ng pitong talo ang team sa walong huling laban para sumemplang sila sa kartang 6-11 sa kasalukuyang season. Nakapuwesto sila ngayon bilang pang-12th sa Western Conference.
Ang matindi, napagtatalo sila sa ilang teams na katulad din nilang nangangapa sa kasalukuyan tulad ng San Antonio Spurs, Oklahoma City Thunder at Minnesota Timberlwolves.
“We all know all of us have to be better, especially over the last two weeks,” sabi ni general manager Monte McNair. “We’re not meeting expectations. That’s not just on Luke. That’s on me, the rest of our coaches and players. Everyone acknowledges that.”
Si Gentry na papalit sa puwesto ni Walton ay beteranong coach sa NBA. Ito ang pang-anim na beses siyang hahawak ng team sa liga. Inaasahan na tataas ang kanyang suweldo sa ilalim ng kanyang kontrata sa 2022-23 season sa kanyang assistant coaching contract. Si Kings assistant coach Rico Hines ay na-promote bilang ‘front of the bench.” Si Hines ay nakapuwesto bilang staff ni Walton bilang player development coach nung 2019.
Inaasahan ng Kings na magkakaroon ng magandang takbo ang inilalaro ng team sa ilalim ng pagtimon ni Gentry sa kabuuan ng season na posibleng magsilbing batayan para mapanatili niya ang trabaho sa mahabang panahon, ayon sa source.
“I think we have the talent,”sabi ni McNair. “We’ve shown that we can do that. We’re going to get back to that and Alvin will be the guy to lead us there.”
Pero mananatili sa kasalukuyan si Gentry bilang interim coach sa nagkukumahog na Kings. Posibleng hindi pa rin siya pumasa sa panuntunan at maghanap pa rin ang Sacramento ng iba pang coach.
Si Walton ay may 68-93 sa two-plus seasons bilang Kings coach.
Sa ilalim ng pagtitimon ni Walton, isa sila sa league’s worst defensive teams na nakaranggo bilang 26th sa defensive efficiency ngayong season at pang-huli sa 2020-21. Pang 26th din sila sa defensive rebounding percentage, 29th sa paint points per game na nakakalusot sa kanila ang second-chance points per game, ayon sa ESPN Stats & Information.
Ang Sacrameto ang may pinakamahabang pagkatigang sa playoff sa NBA simula pa nung 2006. Sa haba ng 15 taon, ang Kings ay may 10 coaches na nagpapalit-palit. Si Gentry ang ika-11th pagkaraan ni Rick Adelman na naglagay sa Kings sa kanilang huling playoff berth.