Sunday , December 22 2024
Joy Belmonte bike tiniketan

QC Mayor sinita, tiniketan sa ‘di pagsusuot ng helmet

KABILANG si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga biker na sinita at tiniketan dahil sa hindi pagsusuot ng  helmet sa  ginanap na Cycle to End Violence Against Women bike event.

Si Mayor Belmonte at Cherie Atilano ng UN Food System Champions ay kabilang sa mga inaresto at tiniketan ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) dahil sa paglabag sa  City Ordinance 2942-2021. Sila ay pinagmulta ng tig-P500 bawat isa.

Paliwanag ni Mayor Belmonte, isa sa biker na  lumahok sa Cycle for VAW bike event ang napansin niyang walang helmet kaya ibinigay niya ang kanyang protective gear sa biker.

“I commend our DPOS for strictly implementing our ordinance kasi wala silang sinisino kapag nagpapatupad ng batas,” ani Mayor Belmonte.

Nabatid na naglunsad ang QC LGU,  mga embahada ng Netherlands at Austria,  Philippine Commission on Women, Spark Philippines, at ilang non-government organizations, ng Cycle to End VAW event upang gunitain ang 18-day campaign to end violence against women, maging ang ikatlong anibersaryo ng  #RespetoNaman Movement.

Ang mga lumahok ay nagbisikleta sa bike lanes sa QC Hall, Elliptical road, hanggang  Agham Road at pabalik.

“Through this event, we hope to spread awareness among the general public about the importance of protecting the rights of women and girls by addressing all forms of gender-based violence,” dagdag ng akalde at sinabing ang Quezon City ay ikinokonsiderang isa sa mga kampeon para sa pagtataguyod ng ‘gender rights’ sa bansa.  (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …