Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla ang French man na si Christophe Bariou bilang ang bagong boyfriend kapalit ni James Reid.

Kamakailan nag-post si Nadine sa kanyang Instagram ng silhouette photo ng isang lalaki sa dalampasigan habang kabilugan ng buwan (full moon). In-identify n’ya ang lalaki bilang si Christophe Bariou nga.

Kahit halos tatlo o apat na buwan na ring lumalabas sa Instagram ni Nadine ang mga litrato nila ni Christophe sa Siargao, never n’yang in-identify na iyon ang kasama n’ya. Ang mga netizen na followers ni Nadine ang nagsasabi sa comment box ng posts ni Nadine na si Christophe ang lalaki sa larawan.

Ewan kung gimmick ni Nadine na gawing mysterious ang lovelife n’ya matapos nilang mag-break ni James na naka-live-in pa n’ya ng ilan taon.

Hindi naman nga itinatago ni Nadine si Christophe. Hindi lang n’ya ina-identify ito noong mga nagdaang buwan.

Pati nga ang pamilya ni Nadine ay napapunta na ni Nadine sa Siargao para makilala si Christophe at ang pamilya nito na may ari ng isang hotel sa Siargao.

May balita pa ngang bumili ng lote si Nadine sa Siargao at nagpapatayo na ng bahay para sa kanyang pamilya.

Justifiable na sabihing inspired si Nadine. Gumagawa na siya uli ng pelikula sa Viva Films at nakikipag-usap na nang masinsinan kay Vic del Rosario, ang big boss ng Viva Group of Companies, kabilang na ang Viva Artists Agency na may management contract si Nadine na inabandona n’ya noong January 2020.

Ibang klase talaga ma-in love si Nadine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …