Sunday , December 22 2024
Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Paalam pre…

USAPING BAYAN
ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

LABIS akong nabigla at nalungkot nang mabalitaan na pumanaw ang aking kaibigan na si Jerry Yap. Naalala ko pa rin hanggang ngayon kung paano kami nagkakilala sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong dekada 90, habang ako ay naka-assign doon bilang reporter ng Philippine Daily Inquirer.

Ang aming pagkakakilala ay nauwi sa halos tatlong dekadang pagkakaibigan, hanggang sa panahon na nilisan niya ang ating mundo para bumalik kamakailan sa sinapupunan ng ating Dakilang Manlilikha.

Nakita ko ang paglago niya at ang kabutihan ng kanyang kalooban. Hindi lamang iilan ang kanyang natulungan, lalong-lalo na ‘yung maliliit nating kasamahan sa hanapbuhay, (kabilang po ang inyong lingkod sa kanyang natulungan nang makailang ulit) at lahat ng kanyang ginawa ay walang inaantay na sukli.

Masigasig niyang sinuportahan ang aking pagpapari at iba ko pang mga gawain para matulungan ko rin ang mga kapwa mamamahayag sa Lungsod ng Kyusee.

Kahit noong kami ng aking pamilya, kasama na ang kanyang inaanak na si Bayang, ay nangibang bansa na ay hindi naputol ang aming ugnayan. Napag-usapan pa nga namin ang kanyang pamamasyal dito sa amin. Sayang at hindi na ito matutuloy sa ngayon.

Hindi ko na hahabaan ito sapagkat ang kolum na ito ay isang pagpupugay ko sa kanya. Bago ko tapusin ito ay hayaan ninyo akong manalangin para sa aking kumpadre.

“Nakikiramay kami ng aking pamilya sa pagdadalamhati ng pamilya Yap at ng iba pang naging bahagi ng kanyang paglalakbay. Harinawa ay magkaroon ng walang hanggang katahimikan at pagmamahal ang aking kumpareng Jerry sa piling ng ating manlilikha. Amen.”

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …