Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanghipo, 15-anyos kinunan nang hubo’t hubad
HI-TECH NA LOLONG MANYAKIS KULONG

KALABOSO ang isang 75-anyos lolo makaraang gawing ‘panghimagas’ ang katawan ng dalawang dalagitang 15-anyos nang hipuan sa maseselang parte ng katawan at makunan pa ng hubo’t hubad ang isa, sa Malabon City.

Sa ulat na tinanggap ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biyudo at suspek na kinilalang si Serafin Domingo,  residente ng Sto Rosario Village, Brgy. Baritan.

Batay sa ulat ng pulisya, nagtungo ang dalawang biktima sa imbitasyon ng suspek, kamakalawa ng hapon.

Nabatid na nakilala ng mga biktima ang suspek kamakailan lamang sa pamamagitan ng isang kaibigan at mula noon ay nagpalitan na sila ng mensahe sa social media hanggang imbitahan ni Domingo ang dalawang dalagita.

Sa ibinahaging impormasyon ni P/MSgt. Gerardo Bautista ng Malabon Police Sub-Station 7, una umanong hinipuan ng suspek ang Grade 5 na estudyante sa elementarya na itinago sa alyas Shalane dakong 2:00 pm at nagawa pang makunan ng larawan sa kanyang cellular phone nang walang saplot sa katawan ang biktima.

Dakong 3:00 pm noong araw ding iyon nang ang Grade 7 na dalagitang itinago sa alyas Luanne  naman ang pinaghihipuan sa katawan ni lolo.

Nagbalik lamang sa katinuan ang dalawang biktima nang makaalis na sila sa bahay ng biyudo kaya’t kaagad nilang isinumbong sa kanilang mga magulang ang nangyaring na nagsama sa kanila sa pulisya upang maghain ng reklamo.

Kahapon ng umaga, plinano ng pinagsanib na puwersa ng Station Intelligence Section (SIS) at Sub-Station 7 sa pamumuno ni P/Maj. Patrick Alvarado ang pagdakip sa suspek sa pamamagitan ng paggamit sa dalawang dalagitang biktima na unang pinapunta sa bahay ni Domingo upang alamin kung naroon ang matanda habang nakamasid sa kanila ang dalawang naka-civilian na pulis.

Nang sumenyas ang mga biktima bilang hudyat na naroon ang suspek, kaagad na sumalakay ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip kay Domingo at nakuha rin sa kanya ang mobile phone na may larawan ng hubo’t hubad na biktima.

Dalawang bilang na kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 o Special Protection Against Child Abuse at paglabag sa Anti-Pornography Act ang isinampang kaso ng pulisya laban sa suspek sa piskalya ng Malabon. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …