Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rash Flores Cara Gonzales Jela Cuenca Luis Hontiveros

Jela, Cara, Luis, at Rash walang takot sa paghuhubad

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

KUNG palaban sa hubaran ang mga baguhang sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, Luis Hontiveros, at Rash Flores na pinatunayan nila sa mga daring scene nila sa pelikulang Palitan ng Viva Films, palaban din sila sa pagsagot sa mga katanungan ng entertainment press sa isinagawang virtual media conference noong Lunes.

Natanong ang apat kung bakit mas marami ngayon ang mga artistang walang takot maghubad sa mga pelikula.

Sagot ni Gela, ”Siguro gina-grab na lang nila ang opportunity and kung talagang worth it ‘yun tatanggapin ko iyon lalo na ngayon pandemic, sobrang hirap ngayon, sobrang hirap ng buhay ngayon.

Aniya pa, “kaya kahit anong darating na offer sa iyo tatanggapin mo talaga at alam ko namang walang masama sa ginagawa namin ‘di ba? Hindi porke naghubad sa pelikula, hubad lang talaga. May story doon. Dapat huwag nilang tingnan na palibhasa may hubaran, ganoon na rin kami sa real life. Of course not.”

Si Cara naman ay iginiit na walang masama sa paghuhubad. ”As long as hindi ka nababastos, walang masamang maghubad. ‘Yun naman ang thinking ng mga tao ngayon eh, masyadong judgemental kesyo naghubad pokpok na, kesyo nagganyan masamang tao na. Wala ng dulot sa mundo natin. Dapat hindi ganoon.

“Kaya kami naghuhubad ay para ipakita ang realidad ng mundo, may mga nangyayari talaga sa mundo natin na ganito, may foursome, threesome, at nandito kaming mga artista para i-express ang story ng bawat isa.”

Idinahilan naman ni Rush ang pandemic. ”Kasi ang daming nawalan ng trabaho before. Kailangan siguro nilang gawin ito at ginagawa lang nila ito bilang pagganap sa character nila na kasama rin sa character nila. Kailangan nilang abangan ang istorya na hindi lang ito puro hubaran.”  

I’m very glad na iyong industriya natin eh taking more risk towards improving ‘yung industry natin and ayusin natin ang quality ng films kasi we live in a country na very intense ang tradition and culture. Marami tayong taboo na hindi natin nabibigyan ng emphasis thru our films o mga show natin. But now a days mas lalo tayong nagiging kumbaga walking towards liberation and pagiging risk takers natin.

“Tulad nga ng sabi nila talaga namang nangyayari ito sa buhay natin ‘yung mga unconventional relationship.Kami lang ang nagiging way para maipakita ‘yung mga totoong nangyayari sa totoong buhay,” katwiran naman ni Luis.

Ang apat na bibida sa pelikula ay pinatunayang higit pa sila sa magaganda nilang katawan at mukha, kaya rin nilang makipagsabayan sa pag-arte ng mabibigat at mahihirap na eksena.

Ang Palitan ay isinulat ng Palanca award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio. Si Alipio ay nakilala bilang isang mahusay na screenwriter sa bansa matapos umani ng parangal sa mga isinulat niyang pelikula, gaya ng Taklub, na pinarangalan ng Prize of the Ecumenical Jury award sa Cannes Film Festival noong 2015, at ang Mindanao, na nanalo naman ng dalawang awards sa 41st Cairo Film Festival.

Abangan ang pakikipaglaro ng apat na tao sa apoy para sa pag-ibig, mapapanood na ang Palitan sa Vivamax sa December 10, 2021 na idinirehe ni Brillante Mendoza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

Heart Evangelista Cecilia Ongpauco

Heart at momnager ginaya eksena sa The Devil Wears Prada 2

I-FLEXni Jun Nardo BACK to work and back to Parish Fashion Week si Heart Evangelista, huh! But this …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …