Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yen Santos Paolo Contis

Romantic dinner date nina Paolo at Yen buking

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

SI Paolo Contis, 37, ang mismong nagkompirma na magkasama sila ni Yen Santos, 29, sa isang romantic dinner date.

Base ito sa Instagram Story ni Paolo noong gabi ng November 20.

Posibleng habang binabasa n’yo ay  naka-tag pa rin si Yen sa post ni Paolo. Pero pwede ring tinanggal na ‘yon ng aktor. 

Hindi agad makikita na naka-tag si Yen sa post ni Paolo dahil naka-camouflage (nakatago) ito.

Kailangan pang pindutin ang background color sa ibabang bahagi ng post ni Paolo para makitang naka-tag nga si Yen.

Pati mga netizen ay napansin iyon.

Sa selfie photo ni Paolo, makikita ang white curtain at Christmas lights na dekorasyon sa likuran niya.

Tugma iyon sa hiwalay na Instagram Story ni Yen na nagpapakita ng litrato ng isang venue para sa isang romantic dinner date.

May naka-set-up na dinner table for two sa isang gazebo na may dekorasyong Christmas lights at puting kurtina.

Ang caption ni Yen sa larawan ay simpleng “birthday dinner” dahil selebrasyon niya ‘yon ng kanyang ika-29 kaarawan.

Akala nilang dalawa ay hindi nabubuko ng ilang netizens na

hindi ‘yon ang unang pagkakataong may camouflaged Instagram Stories sila para sa isa’t isa.

Noon lamang Lunes, November 15, nag-post si Paolo ng “good morning” selfie na naka-tag si Yen.

Noong unang linggo rin ng November 2021, may Instagram Stories din sina Paolo at Yen na mahihinuhang nagpalitan sila ng mensahe at pinatutungkulan ang isa’t isa.

Bunsod nito, patuloy ang espekulasyon hinggil sa hinihinalang pagkakamabutihan ng dalawa.

Hanggang kailan kaya sila magtatago? At kailangan pa ba? 

Parang hindi na naman interesado pa si LJ Reyes na magkabalikan pa sila ni Paolo. Inaamin ni LJ na ‘di n’ya masasabing napatawad na n’ya si Paolo, pero binibigyang-diin naman n’ya na alam n’ya kailangan n’yang gawin yon para sa sarili n’yang kalayaan, sa sarili n’yang kapakanan. 

Tungkol naman kay Yen, may usap-usapan noon na kaya n’ya kailangang itago ang relasyon n’ya kay Paolo ay dahil parang nagsimula ‘yon sa panahong wala pang closure ang relasyon n’ya sa isang maimpluwensyang tao na halos doble ang edad sa kanya.

Pero parang maayos na siyang nakakalas sa relasyong ‘yon, kaya pwede na n’yang aminin ang relasyon n’ya kay Paolo. Hayaan na lang n’yang isipin ng madla na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Paolo at LJ. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Bree Barrameda Hell University

“Hell University,” buwena-manong project ng magandang newbie na si Bree Barrameda

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG project ni Bree Barrameda ang “Hell University,” na mapapanood na sa …

Aga Muhlach Andres Muhlach

Aga kitang-kita pagka-proud kay Andres sa Bagets, The Musical

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAY gandang pagmasdan sa stage ng mag-amang Aga Muhlach at Andres Muhlach during the pilot …

Willie Revillame Wilyonaryoc Jacket

Willie muling kinakitaan paninita sa mga katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBABALIK-TV na nga si Willie Revillame dahil nag-umpisa na ang pag-ere ng Wilyonaryo sa wilyonaryo.com,  hindi …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …