Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Jessica Soho

Relasyon ni John Lloyd bakit nga ba laging nauuwi sa hiwalayan?

MA AT PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni John Lloyd Cruz sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) noong Linggo, kinuha ni Jessica Soho ang reaksiyon ng aktor sa pagpapakasal ng ex nitong si Ellen Adarna kay Derek Ramsay noong November 11, 2021.

Nagpasintabi muna si Jessica bago usisain si John Lloyd sa reaksiyon nito. At hindi niya binanggit ang pangalan ni Ellen. Pero obvious naman na ang misis ni Derek ang tinutukoy niya.

Sabi ni Lloydie, “Finally, she found the one.”

Bago nagpatuloy sa reaksiyon niya ay ipinaliwanag muna ni John Lloyd na hangga’t maaari ay ayaw niyang magsalita tungkol sa naging relasyon nila ni Ellen dahil hiwalay na sila.

“You have to put it in context, and I have to be very careful because that’s her life.

“Nagsisimula at matatapos sa anak namin ‘yung aking masasabi patungkol sa kanya or sa buhay niya.

“Kaya when talking about her, I need to be very careful,” paliwanag pa ni John Lloyd.

Patuloy niya, “Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world.

“And I wish them both a strong and fun marriage.

“Kasi vital ‘yan sa welfare at sa growth ng anak ko.”

Inusisa rin ni Jessica si John Lloyd kung bakit lagi na lang nauuwi sa hiwalayan ang pakikipagrelasyon nito gayong sa mga pelikula ay madalas nakakatuluyan niya ang kanyang nagiging kapareha.

Naku! Mahirap sagutin ‘yung bakit,” napapangiting sagot ni John Lloyd.

“Pero ang maganda roon, totoo ‘yung buhay ko. Hindi siya buhay ng isang pelikula lang.

“Sana alam ko ‘yung sagot. Definitely it takes two to tango. Definitely nagkulang ako sa bawat pagkakataon sa bawat isa sa kanila.

“Kung hindi naman talaga nararapat, bakit natin ipipilit? Baka hindi pa siguro rin akma.”

Hindi  naman sinagot  ng award-winning actor ang tanong ni Jessica kung nakakailang girlfriend na siya. Pero sa pagkakaalam namin, ang mga naging girlfriend niya ay sina Kaye Abad, Liz Uy, Shaina  Magdayao, Ruffa Guttierez, at Angelica Panganiban. At ang huli nga ay si Ellen, na nagkaroon pa sila ng anak na si Ellias. So nakaanim na girlfriend na pala si John Lloyd?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …