Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tito Sotto Ping Lacson Joey de Leon

Joey De Leon, ‘ginamit’ nina Ping at Sotto

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

KAKAIBA talaga ang datingang Joey de Leon. Kaya hindi nakapagtataka kung siya ang ‘ginamit’ ng tandem nina presidential aspirant Ping Lacson at Tito Sotto sa kanilang bagong infomercial.

Effective at malinaw na naipahayag ni Joey ang infomercial na “Tapusin Ang Lagim, Yakapin Ang Liwanag,” bukod pa sa bagay sa boses ng Henyo Master ang mga linyang ginamit.

Tinukoy sa infomercial ang dami ng problema ng bansa. At ang sabi ng boses ni Joey: “Kung gusto nating magbago ang ating buhay, ito ay nasa ating mga kamay. Kung tayo ay pipili ng lider na hinog sa kakayahan, sanay sa labanan, at subok sa karanasan; mga lider na may utak ang tapang, at may tapang ang utak: Tapusin ang lagim, yakapin ang liwanag [sabay pakita kina Lacson at Sotto].”

Dahil sa informercial na ito malamang na krayola ang mga supporter ng ibang presidential at vice presidential aspirants na wishful thinking pa rin na sana ay hindi ang tambalang Lacson-Sotto ang suportahan ni Joey.

Dati’y may lumabas sa social media na inedit na larawan ni Joey at pinekeng caption na sinasabing ibang kandidato ang ineendoso ng Eat Bulaga dabarkads.

Kaya naman nag-post ng maigsing pahayag si Joey para punahin ang fake news at manindigan na ang tanging susupotahan ay ang tambalang PiTo o Ping-Tito.

Ang paggamit sa fake news sa pangalan ni Joey, na kilala sa pagiging witty at poetic sa pananalita ay patunay na malakas at heavygat ang endorsement ppwer niya.

Wala pa si Vic Sotto niyan ha. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …