Saturday , November 16 2024
Covid-19 Vaccine, Quezon City, QC

QC nagroll-out na ng booster shots para sa health workers

SIMULA ngayong Lunes, 22 Nobyembre, ini-roll-out na ng Quezon City goverment ang pagtuturok ng mga booster shots para sa kanilang health workers, upang lumakas sa kanilang pakikipaglaban sa nakamamatay na CoVid-19 virus habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Ito ay kahit senertipikahan ng Department of Health (DoH) na “low risk” na ang lungsod dahil sa matagumpay na panamaraan ng Quezon City para masolusyonan ang panganib na dala ng pandemya sa pagpapababa ng positivity rate na sa ngayon ay nasa 3 percent na lang.

Iniulat ni Dr. Maria Lourdes Eleria, chief Vaccine Sites Coordinator, ang mga  booster shots ay ibibigay muna sa health workers at oba pang frontliners para sa kanilang proteksiyon laban sa virus.

Susunod na mabibigyan aniya, ang mga senior citizens at yaong mga tinatawag na may mga comorbidities.

Dagdag ni Dra.Eleria, laging nakatutok si Mayor Joy Belmonte sa mga ganitong mga kaparaanan upang maprotektahan ang lahat ng kanyang nasasakupan sa pamamagitan man ng mga bakuna o booster shots.

Katunayan, ang sabi ni Dra. Eleria lagpas Isang milyon o 1,841,862 ang mga “fully vaccinated,” mga may kompletong bakuna, ang naitala nitong 17 Nobyembre  2021. Halos 3,824,77 milyon na ang kabuuang bilang ng mga bakunang naiturok ng administrsyong Belmonte, ayon sa doktora.

Sa mga bakuna para sa mga kabataan, iniulat ni Dra. Eleria, may 129,841 ang “partially vaccinated pediatric individual” o naturakan na ng first dose ng bakuna para sa mga edad 17 anyos pababa. 

Ito aniya ay 54.1 percent target ang 240,000 kabataan.

“By the book kami. Mali ang sabihing hindi kinakayang i-handle ng city ang pandemic na ito,” paliwanag ni Eleria.

“Ibigay na lang nila (mga kumakalaban sa alkalde) ang kanilang program o anong focus nila. Hindi siraan. As QCitizens nakinabang din naman sila sa mga programang ito,”  ang naging suhestiyon ng doktora para sa mga sumasalungat sa programa ni Mayor Belmonte.

Ang programa sa bakuna, paliwanag ni Dra.Eleria ay patuloy na gagawin ni Mayor Belmonte para labanan ang CoVid-19 pandemic. At para lalong palakasin ang roll out ng mga bakuna, ipinihit nila ang estratehiya sa pagbaba ng mga bakuna sa mga barangay gamit ang Rapid Coverage Assessment (RCA), isang paraan para madetermina ang bilang ng mga miyembro ng pamilya na hindi pa nababakunahan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …