Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC Santos, Yassi Pressman

JC at Yassi effective mangwasak ng puso

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAMA ang tinuran nina Direk Nuel Naval at Mel Mendoza del Rosario na ang galing-galing nina Yassi Pressman at JC Santos para maipakita kung gaano kasakit o mawasak ang puso dahil sa pagmamahal sa pelikulang More Than Blue na nagkaroon ng advance screening kamakailan handog ng Viva Films.

Tama rin ang sinabi ni Direk Nuel sa zoom media conference  na may laban ang dalawa niyang bida sa pagka-best actor at best actress sa mga susunod na awards season. 

Kung nakailang ulit kasing nakaiiyak ang mga eksenang pinagsaluhan nina Yassi at JC dahil sa mga sakripisyong ginawa para sa wagas na pagmamahal. Ang More Than Blue ay kuwento nina K at Cream na nakatira sa iisang tahanan na bagamat walang romantikong ugnayan, sa ‘di inaasahang pagkakatao’y may nararamdaman para sa isa’t ia.

Ang More Than Blue ay mula sa hit Korean at Taiwan romance drama movie na talaga namang tinanglikik doon at nakatitiyak kaming kagigiliwan din ito ng mga Pinoy dahil lumebel sa ganda at kalidad ng original version ang Pinoy remake.

Samantala, nakatutuwang nag-upgrade sa acting si Yassi. Nakatulong ang matagal niyang pagda-drama sa Ang Probinsyano dahil ibang-iba ang nakita naming Yassi Pressman sa More Than Blue na napaka-effective sa pagpapakita ng emosyon.

Kaya pala aminado siyang ito ang pinakamabigat sa mga nagawa niyang project. ”I can say this is the heaviest I’ve done. Iyak ako nang iyak. 

“At the start, I had doubts na I can do it, sobra but everyone, direk Nuel Naval, scriptwriter Mel del Rosario, my co-stars, they all helped me,” ani Yassi.

Talaga namang dadalhin kayo nina Yassi at JC sa kung gaano kasaya kapag may masayang eksena at kung gaano kasakit kapag may masakit na eksena na talagang dudurog sa inyong mga puso.

Maganda rin ang pagsuporta nina Diego Loyzaga at Ariela Arida para mas maging swak sa pagpapahayag ng kabuuan ng istorya. 

Masasabing ito ang pinakamagandang movie na nagawa nina JC at Yassi dahil napakabigat at napakalalim na pinaghuhugutan ng kanilang mga karakter.

Pinaka-nagustuhan kong eksena ay iyong nasa hagdanan sila sa labas ng bahay na may namamaalam at may nagpapahayag ng sobrang pagmamahal sa isa.

Payo lang namin na kung manonood kayo ng More Than Blue sa Vivamax ihanda ang mga panyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …