Saturday , November 16 2024

2 ‘bagets’ huli sa carnapping

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang binatilyog tumangay ng  isang Toyota Town Ace utility van sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon. 

Kinilala ni  Quezon City Police District (QCPD)  Holy Spirit Station 14 commander P/Lt. Col.  Jeffrey Bilaro ang mga naaresto na sina Ronjay Patenio, alyas Kulot, 17 anyos,  residente sa Phase 8, Tuluyang Plaza, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City at Irish Bonifacio, 17,  ng Phase 8B, Tuluyang Plaza, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City. 

Pinaghahanap ang kanilang kasabwat na kinilala bilang alyas Taba na nagawang makatakas. 

Base sa ulat, dakong 3:40 pm nitong 20 Nobyembre,  nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Republic Avenue, Barangay Holy Spirit, Q.C.

Nauna rito, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Jorrelyn Mirador, 46,  nakatira sa Visayas Avenue, Barangay Sta. Lucia, QC para ireport ang nawawala nitong sasakyan na kanyang natuklasan pasado 8:00 pm, 19 Nobyembre. 

Dahil dito, agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad upang madakip ang mga suspek .

Narekober sa dalawa ang Toyota Town Ace utility van, 2002 Model, may plakang CSF 987 na pag-aari ng biktima, kalibre .38 Smith and Wesson, may apat na bala at sari-saring susi ng sasakyan. 

Nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 at RA 10591. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …