Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross, AJ Raval

Hashtag Wilbert kinabahan sa pakikipaghalikan kay AJ

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NATAWA si Wilbert Ross nang matanong agad ito sa zoom media conference ng pelikula nila ni AJ Raval, ang Crush Kong Curly ng Viva Films na idinirehe ni GB Sampedro at palabas na sa December 17 sa Vivamax kung pinagpapantasyahan niya ang kanyang leading lady.

“Parang hindi naman,” natatawang sagot agad ni Wilbert.  “Sexy siya, maganda, pero walang malisya,” susog pa ng baguhang aktor.

Sobrang cool lang daw kasi nila sa lahat ng scenes habang nagsu-shoot. “So wala talagang malisya, I don’t know, ramdam mo ba na may malisya ako sa ‘yo,” baling-tanong nito kay AJ.

At kahit may intimate scenes silang dalawa inamin din ni Wilbert na wala siyang naramdamang kakaiba. “Ako po honestly wala. Alam din naman po niya (AJ) ‘yun kasi intimate scenes namin mismo may mga tigil kami, usap tapos lagi kong ina-assure sa kanya na hindi siya maba-violate.

“Kaya lagi kong tinatanong sa kanya kung ano ang mga hindi dapat mangyari, mga bawal at ‘yung mga bawal na ‘yun sinisiguro ko po talaga na hindi ko magagawa,” giit ng aktor na ang tinutukoy ay ang mga bawal na ma-touch dahil may restriction si AJ.

Romantic-comedy ang pelikula pero pagtatapat ni AJ, dito siya nahirapan kompara sa Taya na isang erotic thriller.

“Kasi po para sa akin sobrang layo ng personality ni Elle (ginagampanan niyang karakter) sa personality ko. Sobrang kikay ni Elle kaya nahirapan ako. Pero nandiyan naman po sina direk (GB Sampedro) na nag-guide sa amin.

“Sinabi naman po nila kung ano ‘yung mali na ginagawa ko at kung ano ‘yung tama. I think nabigyan ko naman ng justice ‘yung character ko,” anang sexy actress.

Hindi rin ikinaila ni Wilbert na nahirapan siya sa intimate scenes nila ni AJ. “Kasi nga po first time ko, pati sa kissing scenes palang kabog na ang dibdib ko tapos all out kaya tinanong ko si direk kung paano ‘yung kadyot na pang kamera.

“Ginawa ko na po ‘yung best ko, walang dalawang isip, itinodo ko na lahat,” sabi pa ni Wilbert.

At dahil hirap siya sa ganitong eksena, natanong ang aktor kung tatanggapin niya sakaling alukin siya ng daring role. “Hindi ko pa alam right now. Hindi ko pa alam kung ready na ako sa ganoon kasi itong ‘Curly’ may touch of comedy , so, parang nababawi sa. Hindi ko masabi for now. Kasi two years ago sinabi ko hindi ko kayang mag-bed scene pero nagawa ko ngayon. Hindi ko po alam for now,” susog pa ni Wilbert.

Ang Crush Kong Curly ay mapapanood na sa sa Dec. 17 sa Vivamax at kasama rin dito sina Maui Taylor, Chad Kinis, Loren Mariñas, Andrew Muhlach, Madelaine Red, Sab Aggabao, Gab Lagman, Jao Mapa, at Gina Pareño.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …