HATAWAN
ni Ed de Leon
BUMUBUGA na naman ng usok ang bibig ni Maritess. Ang bilis ng pagpapakalat nila na kaya raw inilabas pa ni Claudine Barretto ang isang sulat sa kanya ng dati niyang boyfriend na si Rico Yan ay dahil gusto niyang makalikha ng controversy para mapag-usapan siyang muli.
Ang dahilan, iyong pelikula nilang dalawa ni Mark Anthony Fernandez ay ilalabas nga raw sa Metro Manila Film Festiva, at siya ay kandidatong konsehal sa isang probinsiya.
Pero ewan kung tama ang suspetsa ni Marites, dahil makatutulong ba iyon sa pelikula ni Claudine sa MMFF na bumubuhay naman sa dating love team nga nila ng dati ring boyfriend na si Mark Anthony? Makatutulong din ba para mapatunayang magiging mabuti siyang konsehal kung dati siyang syota ni Rico?
Palagay namin, nagbalik lang sa alaala niya ang magandang
pagsasama nila ni Rico noong araw kahit na hindi rin naging maganda ang kanilang paghihiwalay.