Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jomari Yllana Joey Marquez

Jom pinuri mga kapwa artistang nagsilbi sa Paranaque

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

MATAGAL din bago napatunayan ni Jomari Yllana na karapat-dapat siyang maging public servant sa mga taga-Paranaque. Umpisa pa lang kasi’y marami na ang kumuwestiyon kung karapat-dapat o kaya niya bang maging konsehal noong taong 2016.

Pero naging maganda ang ipinakitang trabaho ni Jomari kaya siguro  naging minority floor leader siya noon.

Pagtatapat ni Jomari, bagamat sa kabilang side siya nagmula, kinonsulta niya ang mga tao, lalo na iyong mga nasa grassroots level.  

“Sila ang naging sandigan ko,’’ anang 45-taong gulang na aktor.

Muli, tumatakbo si Jom para sa kanyang ikatlong termino bilang konsehal sa 1st district ng Paranaque. Dating pinamumunuan ni Jom ang mga komite sa information technology, tourism, at social services. 

Natanong si Jom ukol sa mga hamong kinaharap niya nang una siya tumakbo bilang konsehal noong 2016.

Ani Jomari, blessings niyang maituturing na magagaling ang mga naunang nagsilbi sa Paranaque lalo na iyong mga kapwa niya artista dahil sa pagse-set ng mga ito ng very high standard sa local governance.

“I thank them who paved the way for us in public service, especially the 3-termer former Mayor Joey Marquez,’’ aniya.

Sinabi pa ni Jomari na kapuri-puri ang mga kapwa niya artistang humawak at nagsilbi sa Paranaque.

“Because of them, it wasn’t so difficult for the rest of us to be accepted as local officials, too. They proved themselves and had set high standards in office.

“Because of what they have done, ‘di pwede easy-easy lang kaming mga sumunod sa kanila.

“Sanay sa artista ang Paranaque. We have two districts. At one time or another, we had in the council singers, basketball players, actors. Nandyan sina Roselle Nava, Jason Webb, Vandolph Quizon, my brother Anjo Yllana, Alma Moreno. Kompleto kami rito sa artists, and they all did so well, setting the stage for us,’’ giit pa ng dating Guwaping member.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …