Monday , December 23 2024
JC Santos

JC in demand na leading man

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

INAMIN ni JC Santos na hindi niya inasam o wala sa kanyang hinuha na magiging leading man siya.

Sa virtual media conference ng kanilang pelikula ni Yassi Pressman, ang More Than Blue na mapapanood sa November 19 at idinirehe ni Nuel Naval, natanong ang aktor kung inasam ba niyang maging leading man?

Ani JC hindi niya inaasahang isa siya sa magiging pinaka-in demand na leading man.

Bago naman kasi naging leading man si JC ay lumabas muna siya sa maraming pelikula. Una siyang naging leading man sa pelikula nila ni Bella Padilla, sa 100 Tula Para Kay Stella na nasundan ng A Day After Valentines at On Vodka, Beer and Regret.

“Wala po sa plano. Ang gusto ko lang noon umuwi ako sa Pilipinas (mula Hongkong), mag-perform lang. Laging training ko kasi kay Sir Tony Mabesa (SLN) walang bida, lahat kayo support.

“Kaya mahirap maging bida kasi lahat susuportahan mo para ma-achieve nilang lahat. Lahat pantay-pantay kayo. Wala po sa plano na umabot sa ganito pero okay naman nakikita ko ‘yung ibang directors nakikita nila ako sa iba ko pang kayang gawin.”

Sinabi pa ni JC na blessed siya bukod sa maraming project, naibigay pa sa kanya ang mga role na gusto niya.

“Na-achieve ko pa naman ‘yung mga gusto kong roles lalo na ngayon. Actually, suwerte. Ganoon ako mag- audition sa mga director nakikipagkita sa Taumbayan (bar and restaurant). Nakikipagtambay, inuman and I think suwerte ngayon na nangyayari ito. And I’m super grateful sana tuloy-tuloy pa rin,” sambit ni JC

Isang taong nagmamahal pero takot dahil may taning ang buhay ang karakter ni JC sa More Than Blue.

Aniya, timing na ngayon naibigay ang pelikulang ito sa kanya dahil kung noon, hindi siya sure kung mabibigyan niya ng justice ang kanyang role.

“Hindi ko ito magagawa maybe two or three years ago, feeling ko hindi ko mabibigyan ng hustisya or ia-acting ko lang ito kapag ibinigay sa akin.

“Right now, I think it became a perfect material for me dahil naging new father ako. Somehow I understand how to feel deeply in love. I think bawat sulok ng mindset niyong character kong si K ay medyo naiintindihan ko pati ‘yung mga decision na ginagawa niya para sa pelikulang ito. 

“Malaking bagay talaga na may family kasi nakatulong sa lalim ng interpretation ko sa character. Sobrang tapang kasi ng character at hindi ako ganito katapang,” paliwanag ni JC.

Ang More Than Blue ay Pinoy version ng isang Korean film na kapareho ang titulo na ipinalabas sa South Korea noong 2009 na ini-remake na rin sa Taiwan at kasalukuyang palabas ngayon sa Netflix bilang series. Mainit ang naging pagtanggap dito, sa katunayan naging domestic highest-grossing film ito ng Taiwan na may halos $300 Million gross sa taong iyon. Naging worldwide phenomenon ito na may blockbuster screenings sa mga East Asia countries kabilang ang China, Hing Kong, Malaysia, at Singapore at nakapagtala ito bilang highest-grossing Taiwanese film sa mga bansang nabanggit.

Bukod kina Yassi at JC kasama rin sina Diego Loyzaga at Miss Universe Philippines 2013 Ariella Arida na pawa may mahalagnag papel sa makadurog pusong relasyon ng dalawang soulmates na sina K at Cream.

Kay save the date para sa #WasakPusoDay sa November 19, panoorin ang More Than Blue sa Vivamax.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …