Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga Barbie Imperial

Diego to Barbie — She’s maternal, sobrang caring niya like a mom

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

NAKA-ANIM na pelikula na agad ngayong 2021 si Diego Loyzaga, pero itong pinagbibidahan nila ni Barbie Imperial, ang Dulo siya pinaka-excited.

Bukod kasi na nakatrabaho niya ang kanyang real girlfriend na si Barbie, maganda ang romance film na idinirehe ni Fifth Solomon na mapapanood sa Vivamax sa December 10.

Sa pelikulang ito, maraming mga first time si Barbie, bukod sa first movie niya ito sa Viva Films, ito rin ang first movie project nila ng kanyang boyfriend. Sa sobrang excited ni Barbie, ipinost niya agad sa kanyang Instagram account ang movie teaser nila. Kaya naman lalo pang na-excite ang mga DiegsBie fans na makita silang magkasama sa isang pelikula.

Samantala, hindi ikinaila ni Diego na gusto niyang maging ina ng kanyang magiging anak si Barbie. Kapareho raw kasi ng ugali ni Barbie ang ugali ng kanyang inang si Theresa Loyzaga.

“Sinabi ko sa sarili ko na if ever I date a girl, gusto ko na I can see her as the mother of my children,” ani Diego sa isinagawang virtual media conference.

“And nakita ko ‘yun kay B (term of endearment nila), really early pa sa relationship, noong nanliligaw pa lang ako sa kanya — how organized she is as a person when it comes to work.

“She’s maternal. Sobrang caring niya like a mom, ‘yun ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya.”  

Sinabi pa ni Diego na may ugali si Barbie ng kapareho ni Teresa.

“Makulit sila pareho in the sense na alam mo ‘yung nanay, paulit-ulit may ipinapaalaala, ‘Anak, ‘wag mong gawin ito. Anak, gawin mo ‘yan.’

“Sobrang caring nilang dalawa and, yes, nakita ko ‘yun sa kanya, especially with my past.

“I don’t know how much you know my past or how much the public knows my past, basta mayroon akong pinagdaanan noon, and Barbie accepted that and helped me move forward also with my life.”  


Samahan sina Dex at Bianca sa kanilang road trip at alamin kung huli na nga ba ang lahat para sa kanilang pagmamahalan. Panoorin ang Dulo sa December 10 streaming online sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …