Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Therese Malvar, Jeric Gonzales

Therese Malvar, first time sumabak sa adult role via Broken Blooms

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Therese Malvar na sobra siyang nagagalak sa muling pagbabalik sa pag-arte sa pelikula. Tampok sila ni Jeric Gonzales sa Broken Blooms na kasalukuyang nagsu-shooting na.

Wika ng Kapuso actress, “Super happy po ako na sa pagbabalik ko ulit sa pelikula ay kasama ko sina Direk Louie (Ignacio), Sir Dennis Evangelista, Sir Benjamin Austria, Direk Ralston (Jover) po… It’s a great casts and a great story, kaya very-very excited po ako ngayon.”

First time gumanap ni Therese bilang misis sa pelikula, paano niya ito pinaghandaan?

“Iyon nga po, dahil first time ko po na parang very adult talaga iyong role and may asawa, naninibago po ako.

“Pero in fairness po as of now naman po, comfortable naman po kami and sabi nga po ni direk Louie, magba-bonding bonding po kaming lahat para mas maging comfortable ako sa mga scenes, lalo na at lagi kaming magkasama ni Jeric sa mga eksena,” pahayag ng young actress.

Sa pelikula ay gumaganap siya bilang si Cynthia, 20 years old, isang young wife ni Jeremy (Jeric), isa rin siyang BTS Army o super fan ng Korean boy band na BTS. Masunurin siya sa biyenan kahit buwisit dito. Love-hate ang relationship nila ni Jeremy at makikita rito ang mga pagsubok na pagdadaanan ng kanilang young marriage.

Ang Broken Blooms ay initial venture ng BenTria Productions ni Engr. Benjamin G. Austria.

Bukod kina Therese at Jeric, ang casts ng pelikula ay kinabibilangan nina Ms. Jaclyn Jose, Boobay, Royce Cabrera, Mimi Juareza, at Lou Veloso. Ito’y isinulat ni Direk Ralston Jover at pinamamahalaan ni Direk Louie Ignacio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …