Friday , April 18 2025
Rey PJ Abellana, Sheena Abellana

Rey niregaluhan ng mamahaling sasakyan ng kanyang misis

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

NASAKSIHAN ko ang magandang pagtitinginan ng mag-asawang Sheena at Rey Abellana sa kanilang tahanan ng may ilang buwan nila akong tinangkilik doon.

Napaka-sweet sa isa’t isa ng mag-asawa. At suwerte rin sa mga supling nilang sina Reysheel at JR.

Ibang klaseng magmahal at magdisiplina sa mga anak nila si Sheena. Talagang ibinibigay bawat naisin ng mga ito. Basta ang gagawin lang ay ang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

Dahil sa pandemya isang taon na ring mahigit na hindi nakabalik sa trabaho niya sa isang prestihiyosong kompanya sa Japan si Sheena.

“Pero Sis, ang ganda naman ng kapalit dahil na-celebrate naming mag-anak ang milestones sa buhay namin. Ang debut ni Ate. Ang birthdays ng mag-ama ko. Magbi-birthday ako na kasama sila. At 2nd Christmas ko ito with them. Pati celebrations ng mga kapatid niya, ‘di ba? Talagang stick together ang family.”

Walang bisyo si Rey. Focused talaga sa trabaho niya.

“Kaya thankful siya na may work na dumarating at maraming blessings. Kaya ang gusto lang naman niya ay ‘yung mag-collect siya ng mga alaga niyang manok. Kung masasabi mong bisyo ‘yun, eh magandang hilig for him.”

Natapos na si Rey sa taping ng I Left My Heart in Sorsosgon na gumanap siya sa katauhan ni Patricio na ama ni Heart Evangelista na gumaganap naman bilang si Celeste. Napapanood na ito gabi-gabi sa GMA-7 Primetime.

At bago dumating ang Pasko, si Sheena na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa katapusan ng buwan ang may regalo sa kanyang mister!

Top of the line brand new Mercedes Benz SL Class. Tiningnan ko at ni-research ang halaga ng nasabing sasakyan. Na two-seater convertible. Nakalulula!

Lahat talaga ay gagawin ng asawa at ina para sa pamilya. Kasalukuyan din niyang ipinare-renovate ang kanilang bahay. Na magsisilbing simbolo ng matatag at masarap na pagsasamahan at pagmamahalan.

Hindi nila ‘yan ipinagyayabang. Ako lang itong natutuwang makita kung paano nagsisikap at nagtutulungan ang mag-asawa, ang pamilya sa buhay nila. Kaya ang biyaya, sa pamilya pa rin iniuuwi.

Next year, magbabalik-balik na naman sa Japan si Sheena para haraping muli ang kanyang trabahong taon na rin ang binibilang na kanyang hinaharap.

Mabait nga ang Panginoon at sila ay pinagpapala! 

Sa panahon ng pandemya, masarap pa ring makakita ng mga nagsisikap mabuhay para sa pamilya.  Wala ‘yan sa kinikita. Nandoon ‘yan sa pinagtutulungan para maabot ang gusto sa buhay. 

About Pilar Mateo

Check Also

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …