Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anjo Yllana

Anjo umatras na sa pagtakbo sa CamSur

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

LAST minute decision. At mabigat sa puso ng komedyanteng si Anjo Yllana na tatakbo sana sa CamSur sa Bicol ang desisyong ginawa niya.

Ang pag-atras na sa laban.

Ang post ni Anjo: ”AirTaxi

“May taxi pala pang­himpapawid. P200k per hour (hindi ako ang nagbayad). 

“Kailangan ko habulin yung 5pm deadline sa Comelec CamSur. 

“Opo I withdrew today my Certificate of Candidacy kasi po I feel hindi pa ako fully recovered sa iniwan na damage sa katawan ko ng Covid19

Rather than risking my health I opted to fully recuperate.” 

Ilang linggo lang matapos niyang mag-file ng kanyang CoC, dinapuan ng CoVid ang Kuya ni Parañaque City third termer sa pagka-Konsehal na si Jomari Yllana.

Ang masaklap pa, hindi lang si Anjo ang tinamaan kundi pati ang kanyang mga anak, kapatid na si Paulie at ang kanilang Mama Vee.

Kaya bukod sa pagpapa-ayos ng ancestral home ng mga Yllana at Garchitorena sa Bicol, balik-balik doon si Konsi Jom kasama ang live-in partner na si Abby Viduya (na magbabalik sa pelikula as Priscilla Almeda) para tingnan ang kalagayan ng mahal na ina.

Rito na sa Maynila nag-quarantine si Kuya Anjo. Kaya ngayong kailangan niyang mag-withdraw, nilipad niya ang bayan nila sa Bicol para sa pag-atras muna sa papasukin sanang laban!

Ito na nga ang dahilan kung bakit kuntento muna ang mag-partner na Jom at Abby na sa Zoom na lang muna makipag-meet sa friends nila sa media. Pareho pang takot maglalabas ang dalawa.

Pero pagdating naman sa trabaho niya sa Konseho, umiikot pa rin si Konsi na bitbit ng pag-iingat sa lahat ng pinupuntahan niya.

Si Priscilla, hinihintay na lang ang tawag sa comeback movie niya na magla-lock-in na naman siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …