Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera, Tadhana

Marian mamimigay ng house and lot

Rated R
ni Rommel Gonzales

MASAYANG-MASAYA si Marian Rivera sa ikaapat na anibersaryo ng programa niya sa GMA na Tadhana.

“’Di ba? Akalain mo ‘yun, hindi mo iisiping mangyayari,” ang nakangiting pahayag niya tungkol sa dalawang taon niyang paghu-host ng programa sa loob ng kanilang tahanan.

“Well, nakatataba ng puso dahil umabot kami ng apat na taon.

“Hindi ako nagtataka dahil napakaganda ng mga kuwento ng mga kababayan natin na talaga namang nakapagbibigay pag-asa at inspirasyon sa nakararami, ‘di ba?

“So nakatutuwa. Kapag iniisip mo, ‘ay, apat na taon!’ At ang maganda pa niyan, dahil sa anibersaryo namin, mamimigay ang ‘Tadhana’ ng house and lot.”

Ang award-winning drama anthology na Tadhana ay napapanood tuwing Sabado.

Simula noong nagkaroon ng pandemya ay work-from-home si Marian at sa bahay nagte-taping ng spiels niya para sa Tadhana.

“Sabi ko nga, kapag nag-uusap kami ni Dong, ito na kasi ang buhay natin. Kahit ano pa ang gawin natin, ito na ang kailangan nating harapin,” ani Marian ukol sa matagal-tagal na work-from-home scenario bunsod ng mga quarantine at lockdown Covid-19 pandemic.

“So ang kinakailangan natin, maging positibo ang outlook natin sa buhay at gawing positibo ang mga nakapaligid sa atin. Kasi kung maghihintay tayo na ibalik ang nakaraan, medyo mukhang matatagalan talaga tayo.

“So mas maganda na mag-cope tayo sa ganitong sitwasyon at gawin nating positibo. Katulad na lang ng ‘Tadhana,’ ginawan natin ng paraan na instead na lumabas ako from bahay to studio, kaya rin dire-diretso ang ‘Tadhana,’ naisipan namin na dito na lang sa bahay gawin ang taping at siyempre, ang nagdi-direhe, ang asawa ko.

“At least, nagagawan ng paraan at patuloy pa rin tayo sa pagbibigay ng inspirasyon at kuwento sa mga nanonood at tumatangkilik palagi.”

Sa Sabado (3:15 p.m.) ay part two ng Tadhana episode na Sa Ngalan Ng Ama tampok sina Gabby Concepcion, Thea Tolentino, Ariella Arida, Bubbles Paraiso, at Eula Valdes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …