Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali, HBO Asia

Bianca tapos nang i-shoot ang pelikula para sa HBO Asia

Rated R
ni Rommel Gonzales

ISA sa mga adbokasiya ni Bianca Umali ay ang tungkol sa pagpapabakuna kaya natanong ang aktres sa kung ano ang mensahe niya sa publiko, lalo na sa katulad niyang millennial, na takot at nag-aalinlangan pang magpabakuna kontra sa COVID-19.

As everyone who knows, I do stand for having ourselves vaccinated, sa mga ka-edad ko po or sa iba pa pong mga tao na nag-aalangang magpabakuna, I honestly, sinasabi ko naman ho na kahit naman ho ako noon, I had second thoughts and I wasn’t really sure if I even wanted to have myself vaccinated ever.

“Pero na-realize ko na… na-miss ko ho kasi ‘yung pamilya ko, na-miss kong makasalamuha ‘yung ibang tao, and the only way that I can keep myself safe and my family safe is if I have myself vaccinated.

“And if I promote sa lahat ang pagpapabakuna. So it’s not just for yourself, gawin ho natin para sa ibang tao.”

At dahil tapos na ang Legal Wives at kari-release lang ng kanta ni Bianca na Itigil Mo Na sa ilalim ng GMA Music noong September 30 (available na ito sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital stores worldwide) na sumunod sa Kahit Kailan debut single niya na nominated sa 34th Awit Awards for Best Performance for a New Female Recording Artist at Best Engineered Recording, natanong ang aktres kung ano na ang plano niya.

“Singer na rin ako ngayon,” ang natatawang bulalas ni Bianca. “Hindi pa rin ako maakapaniwala at salamat at alam n’yo na may music career ako.

“Maliban doon, ngayon I am preparing for a next project, very soon, mag-i-start na. Pero sa ngayon nakapahinga ako.”

Tapos na ring mag-shoot si Bianca para sa third season ng Halfworlds para sa HBO Asia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF 2025 Movies

MTRCB ratings ng 8 pelikula sa MMFF inilabas

NATAPOS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …