Sunday , December 22 2024

Dito ni Dennis Uy P8.4-B lugi mula 2020

UMABOT na sa P8.4 bilyon ang lugi ng Dito, ang third telco player ng bansa na kontrolado ni Davao-based business tycoon Dennis Uy, magmula noong 2020.

Ito ay ayon sa pro forma statement ng Dito na inihanda ng P&A Grant Thornton.

Nakasaad sa statement na ang telco firm ay may net loss P4.656 bilyon noong 2020 at P3.769 bilyon sa unang anim na buwan ng 2021, para sa kabuuang P8.4 bilyon.

Ang Dito ay nagsimulang mag-operate noong nakaraang Marso at kumita ng P248 milyon sa unang anim na buwan ng 2021. Gayonman, gumastos na ang kompanya ng P4.14 bilyon.

Bilang bahagi ng layunin nitong maabot ang limang milyong subscribers at service sites sa buong bansa sa pagtatapos ng 2021, ang kompanya ay naglabas ng P52 bilyon para sa capital investments. Kinabibilangan ito ng P35.468 bilyon noong 2020 at P16.234 bilyon sa unang anim na buwan ng 2021.

Hanggang noong Hunyo 2021, ang Dito ay nakapagkaloob na ng mobile 4G services sa 149 lungsod at bayan na may 1.64 milyong subscribers.

Ang pro forma statement sa prospectus ng DITO ay isinagawa upang ilarawan ang epekto ng pagbuhos ng assets ng kompanya sa DITO CME sa financial position ng grupo hanggang 30 Hunyo 2021.

Gayonman, sinabi ng P&A na ang pro forma report ay “not necessarily indicative of the results of its operations.”

Ang Udenna Communications, Media and Entertainment Holdings Corp. (UCME) ni Uy, na kumokontrol sa  Dito Telecommunity, ay magte-take over sa 80 percent ng kompanya sa pamamagitan ng P68.43 bilyon share swap na inaprobahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) nito lamang Setyembre.

Ang DITO  ay magkakaroon ng 54 percent stake sa Dito Telecommunity kung saan ang nalalabing stake ay pag-aari ng China Telecom (40 percent) at ng Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings ni Uy (6 percent).

Ang Dito Telecommunity ay nagbayad  ng P27.5 billion bond nang manalo sa bidding para sa third telco franchise noong 2018 makaraang

idiskalipika ng National Telecommunications Commission ang lahat ng kalaban nito.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …