Saturday , November 16 2024

DILG naghugas kamay sa no vaccine, no ayuda

HUGAS-KAMAY ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa panukalang pagpapatupad ng “no vaccine, no subsidy” scheme para sa mahihirap na pamilya na tumatanggap ng ayuda mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan, at inginuso ang local government units (LGUs) na may pakana umano nito.

“Let me just emphasize, it’s not just the DILG that is proposing this,” paglilinaw ni Interior Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

Ang tugon ng DILG ay makaraang batikusin ang panukala na umano’y walang kabuluhang pagwawalang-bahala sa mga maralita at dapat umanong insentibo ang ialok ng pamahalaan sa “immunization program” at hindi kaparusahan.

Binigyang-diin ni Malaya, sa nakaraang pagpupulong nila sa LGUs, kabilang ang nasa mga lalawigan, ang mga local chief executives umano ang nagbigay ng ideya na huwag ibigay ang tinatanggap na ayuda ng mga benepisaryo ng 4Ps na tatangging magpabakuna o wala pang bakuna kontra CoVid-19.

Aniya, nais at handa naman umano ang LGUs na matugunan ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na nag-atas sa DILG na parusahan ang mga lokalidad na mabibigong maabot ang kanilang target sa pagbabakuna.

“The President told the DILG to sanction the mayors who will be slow or underperforming based on the targets the NVOC (National Vaccine Operations Center) has given to them,” ani Malaya.

“Sagot naman nila sa amin, ‘sir ok kaming mag-comply pero tulungan n’yo naman kami, let’s have a scheme where it will be a disincentive, ma-withhold ang kanilang subsidy kung hindi sila magpapabakuna,’” anang opisyal.

Nabatid sa DILG na 12 porsiyento pa lamang ng 4 milyong 4Ps beneficiaries ang nabakunahan kontra CoVid-19 hanggang sa kasalukuyan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …