Saturday , November 16 2024

Bababeng kasambahay pinatay sa bugbog ng amo saka itinapon sa pool ng condo

PATAY ang isang babaeng kasambahay na hinihinalang pinahirapan at binugbog ng kanyang amo at kasamang helper at saka inihulog sa swimming pool mula ika-17 palapag ng condominium sa Barangay Paligsahan, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Joan Sotayco, nasa hustong gulang, stay-in housemaid sa Unit 17 CO1, 17th floor, Victoria Towers Condominium na matatagpuan sa No. 97 Panay Avenue corner Timog Avenue, Barangay Paligsahan, Quezon City.

Agad inaresto ang employer ng biktima na kinilalang si Totel Parungao Lozada, 30 anyos, binata, account manager, maging ang 15-anyos na dalagitang helper na sinasabing kasabwat sa insidente.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang 5:30 am nitong Linggo, 7 Nobyembre, nang madiskubre ang nakalutang na bangkay ng kasambahay sa swimming pool na nasa 6th floor ng condominium.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Nido Gevero, Jr., nakarinig ng isang malakas na tunog na tila may bumagsak sa swimming pool ang security guard ng condo na si Julius Balanquit.

Agad niyang inimpormahan ang building maintenance na si Arnel Peñafracia at nang tunguhin nila ang pool ay nakita nila ang biktima na nakalutang at wala nang buhay kaya humingi sila ng saklolo sa OIC ng condo na si Francis Gargallo at nag-report sa mga awtoridad.

Nang magsagawa ng imbestigasyon sina P/SSgt. Harry Jayson Dela Cruz at Pat. Cristofer Binalay, kasama ang mga taga-CIDU sa Unit 17 CO1, 17th floor ng condo kung saan naninilbihan bilang kasambahay ang biktima,  tumangging makipagtulungan ang amo niyang si Lozada.

Dahil dito ay siniyasat ng mga awtoridad ang cellular phones ng mga suspek at doon ay nakita sa video na binubugbog ang biktima habang nakatali ng masking tape ang magkabilang kamay.

Sa isa pang video ay nadiskubreng pinagtutulungang linisin ng mga suspek ang crime scene matapos na gupitin ang buhok ng biktima.

Nakapiit na ang mga suspek upang isailalim sa masusing imbestigasyon. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …