Saturday , November 16 2024

Cellphone hindi naagaw
ESTUDYANTE PINAGSAKSAK NG SNATCHER

MALUBAHANG nasugatan ang isang 17-anyos estudyante matapos pagsasaksakin ng isang snatcher nang mabigong maagaw ang kanyang cellphone sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Mardelio Osting, minamaneho ng binatilyong biktima ang kanyang bisikleta sa Hito St., Brgy. Longos para bumili ng pagkain.

Pagsapit sa kanto ng Block 9 dakong 12:50 am, bigla umanong sumulpot ang suspek na si Rodinito Samaro, alyas Potpot, 30 anyos, residente sa Blk 1, Lot 30, Pampano St., at tinangkang hablutin ang cellphone ng biktima ngunit hindi nagtagumpay.

Gayonman, naglabas ng icepick ang suspek at ilang ulit na inundayan ng saksak sa likod ang binatilyo bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon habang nakahingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod na nagsugod sa kanya sa Tondo Medical Center upang magamot.

Ipinag-utos ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang follow-up operation para sa ikaaaresto ng suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …