Friday , November 22 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Bongbong ipinadidiskalipika

The greatest power is not money power, but political power.

— Former US ambassador to the UK Walter Annenberg

PASAKALYE

Text message…

Info./Report! May ilang senior citizens pa ng Barangay Antipona sa Bocaue, Bulacan ang hindi nakatatanggap o nakakukuha ng kanilang mga social pension magpahanggang sa ngayon, matatapos na ang buwan ng Oktubre. Sa nabanggit na barangay, sa ngayon ay wala silang magawa kundi pansamantalang ngumanga at mamuti ang mga mata (lolo at lola) habang hinihintay at itinatanong sa kanilang mga sarili kung mayroon pa nga ba silang aasahan o makukuhang social pension from DSWD Region 3. Halos kapos at kulang na kulang na sila ng pambili ng gamot at vitamins, para sa kanilang maintenance, pambili ng pampers, partikular na iyong mga kawawang lolo at lola na pawang mga ‘bedridden’ na.  Masuwerteng masasabi kung aabutin pa nila ang kanilang kaarawan sa darating o susunod pang mga taon. God Bless, Salamat po. Concerned Citizen, Bocaue, Bulacan (+639556015…)

* * *

AYON  kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang disqualification case na isnampa laban sa kanya ay isa lang inaasahang ‘nuisance’ na ikinasa ng kanyang mga kritiko dahil umaani ngayon ng malakas na suporta ang kanyang pagtakbo bilang presidente sa nalalapit na halalan sa susunod na taon sa Mayo.

Ngunit ilang mga grupo, na ang karamihan ay mga pamilya at kamaganakan at mga biktima na rin ng martial law noong panahon ng yumaong pangulong Ferdinand Edralin Marcos, ay umaasang diringgin ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang petisyon na diskalipikasyon ng dating senador na natalo sa kanyang tangkang maging pangalawang pangulo noong 2016.

Binanggit din ng mga kritiko ni Marcos Jr., ang kanyang criminal conviction sa isang tax case, 26 taon na ang nakalipas bilang dahilan din para sa kanyang diskalipikasyon.

Sa kanilang petisyon, sinabi ng mga grupong kumakatawan sa mga political detainee, human rights at health rights advocates na lumaban sa diktadurya ni Marcos noong dekada 70 hanggang 80, ang anak ng yumaong strongman na hindi makatotohanan ang alegasyon sa kanyang certificate of candidacy (COC) na siya ay eligible para tumakbong presidente — “dahil siya ay nahatulan (sa nasabing revenue infringement)” at hindi napatawan  ng parusa para sa krimen ng ‘moral turpitude’ na hinhatulan ng 18 buwan pagkabilanggo.

Sa opisyal na pahayag, isinantabi ng kampo ni Marcos ang disqualification case para tawagin itong isang “predictable nuisance” na isinampa laban sa dating senador.

Tinukoy ng tagapagsalita ni Marcos Jr., na si Atty. Victor Rodriguez na ang petsiyon ay ‘black propaganda’ na kanila rin namang sasagutin sa tamang panahon at lugar at gagawin ito kapag natanggap na nila ang opisyal na kopya ng kasong inihain sa Comelec.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …