Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krista Miller

Krista Miller, wish magtuloy-tuloy ang pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

UNTI-UNTI ang ginagawang pagbabalik-showbiz ng former sexy actress na si Krista Miller.

Ayon kay Krista, mula nang dumaan siya sa matinding pagsubok at dagok sa buhay, inaayos niya ang kanyang buhay nang paunti-unti.

Lahad ni Krista, “Maliban sa pagbabalik sa showbiz, bumalik din po ako sa pagiging real estate agent. Medyo nahirapan din po ako sa pagbabalik ko sa showbiz noong una. Kasi siyempre, hindi mo alam kung paano ka tatanggapin ulit ng mga tao.

“Pero hindi na po ako roon nag-focus… right after naman po nang nangyari sa akin, ginawa ko namang better ang sarili ko. Nag-aral ako at ngayon ay graduate na ako ng Masscom sa Far Eastern University.”

Ngayon ay napapanood siya sa weekly show sa Euro TV titled Sikat Noon, Sikat Ngayon, every Saturday, 4pm. Mapapanood din siya sa pelkulang The Buy Bust Queen, isang advocacy film na pinagbibidahan nina Ritz Azul, Jeric Raval, Phoebe Walker, at iba pa.

Ayon pa kay Krista, nang dumating ang matinding pagsubok sa kanya, nawalan siya halos nang pag-asa sa buhay at muntik mag-quit sa showbiz nang tuluyan.

Actually, pang-MMK or Magpakailanman ang buhay ng aktres. Ang ama ng kanyang mga anak ay hindi raw sumusuporta sa kanila. At lahat ng puwedeng trabahong marangal ay pinasok niya, tulad ng pagiging call center agent at online teacher, nang sabay.

Ano ang leksiyon na natutunan ng aktres sa nangyari sa kanya?

Sambit ni Krista, “You need to filter your friend talaga, hindi lahat ng nakapaligid sa iyo… Huwag masyadong magtiwala sa mga taong nakapaligid sa iyo, kasi sila rin ang kakain sa iyo, eh.”

Ano pa ang gusto niyang mangyari sa kanyang pagbabalik-showbiz?

“Siyempre po, gusto ko po sana kung palarin na mabigyan ng break ulit dito sa industry natin. Pero ayaw ko kasi na ma-frustrate ako na kailangan makabalik ako agad. So, kailangan maghintay lang at magtiyaga po,” pakli pa ng tisay na aktres na isang Viva contract artist.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …