Saturday , November 16 2024

Oplan sita sinibatan
3 RIDER NASAKOTE SA P1.5 M SHABU SA KANKALOO

SA HOYO bumagsak ang tatlong rider matapos makuhaan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangaking sumibat sa mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Feliciano, 43 anyos; Regie Rivera, 35 anyos, messenger, kapwa residente sa Sampalok, Maynila; at Jeric Sy, 52 anyos ng 5th Avenue Brgy. 53 sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., dakong 12:05 am, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Taksay St., Brgy. 28 ang mga tauhan ng Tuna Police Sub-Station (SS1) sa pangunguna ni P/Maj. Jerry Garces nang parahin nila ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo dahil walang suot na helmet.

Ngunit hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at tinangka pang tumakas dahilan upang habulin sila ng mga awtoridad hanggang bumangga sa nakaparadang truck si Sy at naaresto ang dalawa niyang kasama.

Nang kapkapan, nakuha ni P/Cpl. Joeph Young kay Sy ang isang nakataling plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P680,000.

Nakuha ni P/Cpl. Christian Malinao kay Rivera ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng 25 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P170,000.

Samantala, nasamsam ni P/SSgt. Ernesto Camacho kay Feliciano ang isa pang nakataling plastic sachet na naglalaman ng 100 gramo ng hinihinalang ilegal na droga, may standard drug price P680,000 at isang weighing scale.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC, RA 10054 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …