Saturday , November 16 2024

Motorsiklo, nasagi ng truck
LOLONG RIDER, TODAS

HALOS madurog ang ulo at katawan ng isang 62-anyos mekaniko nang masagi ng isang truck ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktima na kinilalang si Felix Espinosa, residente  sa Interior Catmon, Malabon City, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Sa nakarating na ulat kay Caloocan City  Police Chief Col. Samuel Mina, Jr., dakong 6:00 pm, tinatahak ng biktima sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng C3 Road patungong Rizal Avenue Ext., ngunit pagsapit sa kanto ng 7th St., Brgy. 124 ay nasagi ang motorsiklo ng kaliwang bahagi ng likuran ng truck.

Sa lakas ng impact, bumagsak ang motorsiklo sa kalsada hanggang magulungan ang biktima ngunit hindi huminto ang truck driver hanggang tuluyang tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.

Isinugod ang biktima sa nabanggit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan ng truck at pagkaaresto sa driver nito. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …