Sunday , April 27 2025
Laguna Water, Lubak na daan, Cabuyao Laguna

Sa lubak-lubak na iniwan ng Laguna Water
MAYOR MEL GECOLEA PARANG NASA ‘MOON’ ANG MGA TAGA-CABUYAO, HAPPY KA LANG?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

SANDAMAKMAK na ang reklamo na ating natatanggap tungkol sa walang habas na paghuhukay ng mga kalsada riyan sa mga siyudad ng Cabuyao at Sta. Rosa, Laguna ng Laguna Water Co.

Ang Laguna Water na isang subsidiary ng Manila Water Co., ay nakabase sa Nuvali, Sta. Rosa ang nangangasiwa sa pagwarak ‘este’ pagsu-supply ng inuming tubig sa mga naturang lugar.

Ang siste, hindi raw maintindihan ng mga mamamayan ng Cabuyao at Sta. Rosa kung bakit naging ugali na ng Laguna Water ang kalkalin lahat ng kalsada na kanilang magustuhan at uumpisahan ang proyekto na hindi naman tinatapos nang tama sa oras?!

Kaya kapag nasa Cabuyao daw kayo, para na rin kayong nakarating sa buwan — dahil lubak-lubak at butas-butas ang kalsada.

Bawat barangay diyan sa siyudad ng Cabuyao ay may mga kalsadang inumpisahang hukayin ng kompanya ng Laguna Water, ganoon din sa ng national highway mula Cabuyao patungong Sta. Rosa na nagdudulot ng sobrang traffic sa lugar.

Wattafak!

Bakit ngayon lang nagkukumahog ang nasabing kompanya kung kailan malapit na ang Pasko at eleksiyon?

Tadtad ba ng solicitation sa inyo?

O baka naman para masabing may accomplishments ang mga politiko riyan para gawing “pogi points” sa darating na Mayo?!

Susmaryosep!

Anong ‘say’ mo rito, City of Cabuyao Mayor Mel Gecolea?

‘Di ba kaya ng ‘powers’ mo na pagsabihan ang mga taga-Laguna Water na tapusin nang mabilisan ang kanilang proyekto alang-alang sa mga constituents ninyo?!

Sobrang nababagabag na ang mga mamamayan ng Cabuyao sa teribleng traffic dulot ng mga hinukay ng Laguna Water sa mismong national highway pa man din ng Cabuyao.

Kapag naman tapos na ang kalkalang ginagawa nila ay saka iiwan ang patse-patseng kalsada na animo’y dumaraan ka sa pitak na inararo ng kalabaw sa bukid.

Sonabagan!

Sino sa tingin ninyo ang mag-aayos ng mga ‘yan?

Ang DPWH pa ba?!

Para may sariling ‘kita’ rin ganern?!

Sus ginoo!

Mayor MG, sapat na po ang legacy ninyong iiwan diyan sa City of Cabuyao. Ang alaala ng ‘kalabasang ayuda’ na ipinamudmod ninyo noong panahon ng ‘lockdown’ sa inyong siyudad ay sapat na para tumatak sa kanilang isipan.

Hintayin mo na lang ang ‘sigaw’ nila sa Mayo, Mayor!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

IMINUMUNGKAHI ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas City, ang paglikha ng isang …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …