Sunday , December 22 2024
Floyd Mayweather, Michael Jordan, David Beckham

Jordan mas mayaman pa kina Mayweather at Beckham

TINATAYANG sina Floyd “Money” Mayweather at David Beckham ang pinakamayamang atleta  sa lahat ng panahon, pero sa latest na pagtaya, si NBA superstar Michael Jordan na ngayong ang nangunguna pagdating sa net worth kahit na pagsamahin pa ang kita ng dalawang superstars ng sports.

Si Jordan na naglaro ng 15 seasons sa NBA, nanalo ng anim na kampeonato sa Chicago Bulls, ay itinuturing na pinakamatinding atleta sa kasaysayan ng palakasan.

Ganunpaman, tinitingala rin sina Mayweather at Beckham bilang hari ng kani-kanilang larangan, si Floyd ay may 50-0 fight record, samantalang ang ex-England football captain ay nanalo ng amin na Premier League titles at sa Champions League sa Manchester United.

Bagama’t naging matagumpay ang dalawa sa kanilang sporting discipline, sinuman sa kanila ay hindi mapapantayan ang naisubing pera ni Jordan, na ayon sa Forbes, ang real-time net worth niya ay umabot sa £1.32bn.

Sa panahon ng pamamayagpag ni MJ sa basketball, nang maglaro  siya sa Chicaco Bulls at Washington Wizards, kumabig siya ng £66m mula lang iyon sa kanyang  basketball salaries.

Ang kanyang totoong kayamanan ay mua sa kanyang business ventures sa labas ng court, na lalong lumago nang magretiro siya sa basketball noong 1999.

Ayon sa report ng Forbes, ang 58-year-old na basketbolista ay tumiba ng $1.8bn mula sa corporate partnerships sa Nike, Hanes at Gatorade sa loob ng nakaraang 30 years.

Ang basketball legend ay pamoso sa kanyang Nike Air Jordan clothing at trainer brand, na sa kasalukuyan ay nakipag-partner sa Parisian football club Paris Saint-Germain.

Tumiba siya nang husto sa Nike na tinatayang pinakamalaking kita niya sa endorsements sa kasaysayang ng sports at tinatayang kumita siya rito ng tinatayang £1bn simula pa nung  1984,  nang una siyang naglaro sa  Chicago Bulls.

Iyon ang isang batayan kung bakit mas higit ang  naging kayamanan ni Jordan kahit pa pagsamahin ang kinita nina Mayweather at Beckham.

Ang  football icon at global superstar Beckham ay may tinatayang £326m sa makulay niyang career.

Pagkaraang pakasalan niya ang pop-sensation Victoria Beckham, ang dalawa ay lalong sumikat sa buong mundo, at sila ay nakipag-partner sa Adidas, H&M City, Breitling at Calvin Klein.

Si Beckham din ang co-owner ng American Soccer franchise na Miami FC, na nabili niya sa halagang £18m nung  2007.

Samantalang si Mayweather ay may net worth na £326m, at nakaranggo bilang pang-siyam na highest-paid athlete sa lahat ng panahon.

Ang impresibo lang kay Mayweather ay naitala niya ang mayorya ng kinita sa pakikipaglaban  sa ring.  Kumabig lang  ang 44-year old na boksingero ng £7m sa partnerships at  endorsements.

Ang malaking kinita niya ay sa naging laban niya kay Manny Pacquiao noong 2015 at Conor McGregor nung 2017, na umani siya ng hindi tataas sa  £500m mula sa dalawang laban.

Sina Mayweather at Beckha ay may  pinagsamang £650m na mas mababa sa kinita ni Jordan na £1.3bn.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …